Teokratikong mga Balita
◆ Noong Enero 23, 1990, inalis ng pamahalaan ng Benin ang pagbabawal sa gawain ng mga Saksi ni Jehova sa bansang iyon. Noong Enero 28 ay nagalak ang mga kapatid na sila’y nakapagtipong samasama para sa isang pantanging pagtitipon sa Cotonou.
◆ Naabot ng Colombia ang isang bagong peak na 43,850 mga mamamahayag, at 490 ang nabautismuhan sa loob ng isang buwan kamakailan lamang.
◆ Noong Enero 26, 1990, ipinagkaloob ang pirmiso para sa pagtatayo ng kaunaunahang Assembly Hall sa Costa Rica. Ito ay may upuan para sa 2,200.