Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/90 p. 8
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Ihanda ang mga Estudiyante na Makibahagi sa Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Mga Ministro ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Sanayin ang mga Baguhan na Maging Kuwalipikado Bilang mga Mamamahayag
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 7/90 p. 8

Tanong

● Bago sang-ayunan para sa bautismo, hanggang saan dapat nakikibahagi na ang isang di bautisadong mamamahayag sa ministeryo sa larangan?

Ang isa na naging kuwalipikado bilang di pa bautisadong mamamahayag ay nagpapamalas ng kaniyang malaking pagnanais na maging isa sa mga Saksi ni Jehova. (Awit 110:3) Binago na niya ang kaniyang kaisipan, saloobin at paraan ng pamumuhay. Siya’y palagiang nakikisama sa bayan ni Jehova sa mga pulong ng kongregasyon at mga asamblea. (Heb. 10:24, 25) Malamang na siya’y napakilos ng kaniyang puso na magkomento sa mga pulong, at kaypala’y nagpatala na rin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.—Awit 40:9, 10; om p. 73.

Minsang nagpakita ang estudiyante sa Bibliya ng tunay na pagpapahalaga sa pabalita ng Kaharian, siya’y maaaring magkaroon ng pribilehiyo ng pakikibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay. (Mat. 24:14; 28:19, 20; om p. 111) May kaugnayan dito, kapuwa ang mamamahayag na nagdaraos ng pag-aaral at ang mga matatanda ay kailangang makatiyak na ang buong buhay ng estudiyante ay kaayon ng mga simulaing Kristiyano. Siya’y kailangang magkaroon ng tunay na pagnanais na makibahagi sa pangangaral at paggawa ng mga alagad.—Gal. 6:6; w88 11/15 p. 17; om p. 98-9, 174.

Hindi kailangang magtagal mula sa pagiging kuwalipikado bilang isang mamamahayag ng estudiyante sa Bibliya hanggang sa paghaharap niya ng sarili para sa bautismo sa tubig. Yamang siya’y kulang pa sa karanasan sa pangmadlang ministeryo, dapat siyang bigyan ng sapat na panahon upang maipakita ang kaniyang determinasyon na magkaroon ng regular at masikap na bahagi sa ministeryo sa larangan.—Awit 40:8; Roma 10:9, 10, 14, 15.

Sa panahong handa na ang tao sa bautismo, malamang na siya’y regular ng nakikibahagi sa paghahatid ng mabuting balita sa iba, na gumugugol ng mahigit pa sa isa o dalawang oras sa larangan bawa’t buwan. (w84 6/1 p. 8 par. 2) Sabihin pa, ang personal na kalagayan ng bawa’t isa na humihiling na siya’y mabautismuhan ay dapat na repasuhin. Ang mga matatanda ay dapat na mapatnubayan ng direksiyong ibinigay sa pahina 175 ng aklat na Ating Ministeryo: “Sa pamamagitan ng maibigin ninyong tulong, ang mga babautismuhan ay mapasisigla at matutulungan na pumasok sa ministeryong Kristiyano, na lubusang nahahanda upang ganapin ang mahalagang atas na yaon.”—Mat. 16:24; Juan 4:34; 1 Ped. 2:21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share