Ihanda ang mga Estudiyante na Makibahagi sa Ministeryo
1 Sa nakaraang taon sa Pilipinas, may aberids na 64,641 mga pag-aaral sa Bibliya ang idinaos bawa’t buwan. Ang karamihan sa mga ito ay gumagawa ng kinakailangang mga pagbabago sa kanilang personal na buhay, at sa dakong huli ay nais natin silang gumawa ng pangmadlang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagsama nila sa atin sa ministeryo sa larangan.—Roma 10:10.
2 Sa panahong kayo ay magpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya, maaaring mapasigla ninyo ang estudiyante na magsalita sa iba tungkol sa kaniyang natututuhan. Imungkahi na siya’y magsalita sa mga kamag-anak, kapitbahay, kamanggagawa, at iba pa sa isang impormal na paraan. Maglahad ng mga karanasan sa paglilingkod sa larangan na personal na naranasan ninyo at ng iba pa at maging niyaong nakaulat sa Yearbook.
PAGTIYAK KUNG KUWALIPIKADO ANG ESTUDIYANTE
3 Tandaan na bilang isa na nagdaraos ng pag-aaral, pananagutan ninyo na alamin kung ang estudiyante ay kuwalipikado bago siya anyayahan na sumama sa inyo sa paglilingkod sa larangan. Dapat na naiayon na niya ang kaniyang buhay sa mga pamantayan ni Jehova. Ang mga salik na dapat na isaalang-alang ay ang nakabalangkas sa mga pahina 98-9 ng aklat na Ating Ministeryo.
4 Hindi na kailangan pang manghimasok sa personal na buhay ng estudiyante sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga nakahihiyang katanungan. Gayumpaman, habahg nakikilala ninyo ang estudiyante, makikita ninyo kung siya’y namumuhay na kaayon ng mga bagay na kaniyang natututuhan. Kung mayroong mga pag-aalinlangan hinggil sa ilang bahagi ng kaniyang personal na buhay, maaaring ipabasa sa estudiyante ang mga angkop na teksto ng Bibliya at pagkatapos ay hayaang ipahayag ang kaniyang sarili hinggil sa aplikasyon o kahulugan nito. Kadalasang sa pamamagitan nito ay makikita ninyo kung nauunawaan niya kung ano ang kahilingan sa isa na makikisama sa ministeryo. Kung kayo ay kumbinsido na siya’y taimtim na nagnanais na ipakilala ang kaniyang sarili kasama ng organisasyon ng mga Saksi ni Jehova, at kuwalipikadong gawin ang gayon, maaaring anyayahan ninyo siyang sumama sa inyo sa ministeryo.
TULONG MULA SA MGA MATATANDA
5 Kapag nagbigay ang isang tao ng kaniyang kaunaunahang ulat sa paglilingkod sa larangan, karagdagang hakbang ang kailangang kunin upang matiyak na siya’y kuwalipikado na maging isang mamamahayag at kung gayo’y kilalanin bilang isang sinang-ayunang kasama. Salig sa unang ulat sa paglilingkod ng estudiyante, ang kalihim o iba pang iniyembro ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ay makikipag-usap sa mamamahayag na nakikipag-aral sa kaniya tungkol sa kaniyang pagsulong. Pagkatapos nito makabubuting ang mamamahayag ay presente kapag nakipag-usap ang matanda sa estudiyante na nagbigay ng kaniyang unang ulat. Pagkatapos na papurihan siya sa pagsulong na kaniyang naisagawa, maibiging ipaliliwanag ng mga matatanda ang lahat ng mga bagay na nasasangkot sa pagiging isang mamamahayag. Kung ang estudiyante ay kuwalipikado bilang isang sinang-ayunang kasama, ipababatid sa kaniya na igagawa siya ng isang Congregation’s Publisher Record card at isasama ito sa salansan ng kongregasyon.—Tingnan ang om p. 105-6.
6 Pasiglahin natin at ihanda ang ating mga estudiyante na makibahagi sa ministeryo sa larangan. Sa takdang panahon, taglay ang pagpapala ni Jehova, sila ay magiging kuwalipikado na maging palagiang tagapagpahayag ng mabuting balita.