Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/90 p. 2
  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 12-18
  • LINGGO NG NOBYEMBRE 19-25
  • LINGGO NG NOB. 26–DIS. 2
  • LINGGO NG DISYEMBRE 3-9
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 11/90 p. 2

Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad

LINGGO NG NOBYEMBRE 12-18

Awit 92

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pagtalakay sa bagong Paksang Mapag-uusapan.

20 min: “Magpatibay ng Pananampalataya sa Salita ng Diyos.” Tanong-sagot. Sa pagtalakay sa parapo 3, ang mga epektibong mamamahayag mula sa tagapakinig ay magbibigay ng espesipikong mungkahi at komento hinggil sa mga litaw na punto na maaaring gamitin sa paglilingkod sa larangan. Ihanda nang patiuna ang mga komentong ito.

15 min: “Patiunang Pagpaplano Para sa Disyembre.” Tanong-sagot na pagkubre. Sa parapo 5, ilakip ang pakikipanayam sa isa o dalawa na nagkapit sa ilang mungkahi na ibinigay sa artikulo. Itanghal kung papaanong ang may karanasang payunir ay makatutulong sa isang masigasig na mamamahayag na gumawa ng personal na eskedyul para sa pagpapayunir sa Disyembre.

Awit 195 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOBYEMBRE 19-25

Awit 215

10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Ilakip ang tugon ng Samahan sa mga abuloy, at ipahayag ang pagpapahalaga para sa pinansiyal na pagtangkilik sa lokal na pangangailangan ng kongregasyon.

17 min: Mga Magulang, Huwag Ninyong Inisin ang Inyong mga Anak. Pahayag at pagtatanghal salig sa mga pahina 16 at 17 ng Gumising!, Enero 22, 1990, at sa subtitulong “Pinalalakas-loob ang Inyong Anak na Magpahayag ng Kaniyang Niloloob” at “Pag-unawa sa mga Pangangailangan ng mga Tin-edyer” sa kabanata 11 ng aklat na Buhay Pampamilya. Pasiglahin ang mga magulang na unawain ang bawa’t anak at tulungan silang magkaroon ng espirituwalidad at iba pa. Sa katapusan ng pag-aaral sa Bibliya, itanghal kung papaanong pinapupurihan ng magulang ang mga anak sa kanilang pagsisikap. Ang interes ay ipinakikita sa kanilang gawain sa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pampatibay-loob at pagtulong sa kanila sa mga bagay na doo’y mayroon silang suliranin. Nagtapos ang tsirman sa pamamagitan ng pagdiriin ng pangangailangang isapuso ang interes sa anak sa lahat ng panahon.

18 min: “Abutin ang mga Puso sa Pamamagitan ng Mabisang mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Sa pagsasaalang-alang sa mga parapo 3 at 5 itanghal ang pakikibagay sa lokal na mga kalagayan. Idiin ang mga angkop na punto sa Agosto 1, 1984, isyu ng Ang Bantayan.

Awit 43 at pansarang panalangin.

LINGGO NG NOB. 26–DIS. 2

Awit 132

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Kapanayamin sa maikli ang isang pamilya na nagpaplanong gamitin ang buong sanlinggo sa paglilingkod sa larangan kasama ng kongregasyon. Itampok ang maaaring makatulong sa iba.

20 min: “Pagpapatibay sa Malapit na Ugnayang Pampamilya.” Pahayag ng matanda, na may ilang pakikibahagi ng tagapakinig. Ilakip ang mga mungkahi kung ano ang maaaring gawin sa lokal na paraan upang patibayin ang espirituwal na mga katangian ng mga miyembro ng pamilya at upang tulungan ang lahat na masiyahan sa paglilingkod sa larangan.

15 min: Paghahanda para sa Ministeryo sa Larangan. Itanghal ang paghahanda ng isang pamilya ng mga presentasyon sa larangan na itinatampok ng isa ang magasin, ang iba ay pag-aalok ng tract, ang ikatlo ay pag-aalok ng walang bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Magbigay ng pantanging pagdiriin sa paggamit ng alok sa Disyembre ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ipakita ang pag-eensayo ng mga miyembro ng pamilya sa mga ito sa isa’t isa.

Awit 42 at pansarang panalangin.

LINGGO NG DISYEMBRE 3-9

Awit 31

10 min: Lokal na mga patalastas at mga litaw na punto sa kasalukuyang magasin. Ilakip ang dalawang maikling pagtatanghal sa pag-aalok ng mga magasin.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Kaunawaan.” Tanong-sagot. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 3, magkaroon ng dalawang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano babaguhin ang presentasyon ayon sa kalagayan ng maybahay. Ang pagtatanghal ay maaaring magtapos kapag ito’y naisagawa na, kadalasa’y sa pambungad pa lamang o karakaraka pagkatapos nito.

15 min: Ginagawang Matagumpay ang Ministeryo sa Disyembre. Sa Disyembre nagpapasimula ang serye ng ating mga Pandistritong Kombensiyon. Magplano upang makibahagi sa ministeryo sa pagsisimula pa lamang ng buwan. Kung kayo ay wala sa katapusan ng Disyembre, tiyakin ninyo na ang inyong ulat sa paglilingkod sa larangan ay maiiwan sa kalihim ng kongregasyon bago kayo umalis. Talakayin ang mga litaw na punto na angkop na gamitin sa lokal na teritoryo sa paghaharap ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Itanghal kung papaanong makikipag-usap ang mamamahayag sa maybahay hinggil sa kahalagahan ng pagbabasa ng Bibliya. Maaaring gamitin ang 2 Timoteo 3:16, 17 upang ipakita na ang Salita ng Diyos ay kinasihan at kapakipakinabang, na sinusundan ng Juan 17:3 upang ipakita ang espesipikong kapakinabangan.

Awit 29 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share