Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Matatandang publikasyon ayon sa wika, gaya ng sumusunod: Ingles: Aklat na Worldwide Security sa ₱16.00. Bicol: Aklat na Katotohanan sa ₱8.00. Cebuano: Aklat na Kaligayahan sa ₱16.00. Hiligaynon: Good News to Make You Happy sa ₱2.50. Iloko: Aklat na Kaligayahan sa ₱16.00. Samar-Leyte: Good News to Make You Happy sa ₱2.50. Tagalog: Aklat na Kaligayahan o Tunay na Kapayapaan sa ₱16.00. Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱48.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱70.00.
● Sa Enero at Pebrero, ang aklat na Good News to Make You Happy ay iaalok sa ₱2.50 sa Hiligaynon at Samar-Leyte. Ang halaga nito para sa mga payunir ay 70¢. Gayundin ang aklat na Katotohanan sa Bicol ay iaalok sa ₱8.00 at ang halaga sa payunir ng mga ito ay ₱4.00. Kapag gumagamit ng mga aklat na ito sa pantanging halaga, pakisuyong tiyakin na humiling ng kredit para sa mga nakuha ng payunir at mamamahayag, na ipinakikita ang mga ito sa magkahiwalay na linya sa Remittance and Credit Request form (S-20).
● Ang pagdiriwang ng Memoryal ay gaganapin sa Sabado, Marso 30, 1991, paglubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring simulan nang mas maaga, pakisuyong tandaan na ang paglilibot ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat magsimula kundi pagkaraang lumubog ang araw. Walang iba pang pulong na dapat ganapin sa petsang iyon. Kung ang inyong kongregasyon ay normal na may mga pulong kung Sabado, dapat ninyong isaayos ito sa ibang araw sa linggo ng Memoryal. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa mga kongregasyon sa takdang panahon, kaya hindi na kailangan pang pididuhin ang mga ito.
● Pakisuyong pumidido ng ekstrang magasin para sa pantanging mga kampanya sa Abril at Mayo sa pagtatapos ng Enero upang matiyak na matatanggap ang mga ito nang nasa panahon. Aming pahahalagahan ang inyong maagang pagbibigay-pansin dito, na isinasaalang-alang ang malaking bilang ng mga auxiliary payunir na maglilingkod sa mga buwang iyon.
● Ang pantanging pahayag pangmadla sa taóng ito ay ipahahayag sa buong daigdig sa Linggo, Abril 7, 1991 sa paksang, “Ang Pagdating ng Mesiyas at ang Kaniyang Paghahari.” Ipadadala ang balangkas nito sa bawa’t kongregasyon kapag handa na ito. Ang mga kongregasyong dinadalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa petsang iyon o yaong may pansirkitong asamblea o pantanging araw ng asamblea ay magsasagawa ng kanilang pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyong magdaraos ng pantanging pahayag bago ang Abril 7.