Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Ipahayag ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itanghal ang paggamit ng Paksang Mapag-uusapan kasama ng alok na matatandang aklat.
15 min: Gamiting Mabuti ang Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—1991. Pahayag salig sa paunang mga salita sa bukleta. Ilarawan ang kahalagahan sa pamamagitan ng pagtalakay ng pamilya sa teksto sa araw na ito.
Awit 42 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENERO 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at mga tugon sa donasyon.
20 min: “Magdaos ng Kapakipakinabang na mga Pampamilyang Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot.
15 min: Pinananatili ba Ninyong Bukás ang Linya ng Komunikasyon? Tatalakayin ng matanda ang dalawa o tatlong simulain sa kabanata 11 ng aklat na Buhay Pampamilya. Ilakip ang maikling mga pagtatanghal ng materyal sa mga parapo 5-8, na ipinakikita kung papaanong maaaring patibayin o pahinain ng mga magulang ang loob ng bata sa pakikipag-usap.
Awit 221 at pansarang panalangin.
LINGGO NG ENE. 28–PEB. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang mga punto sa “Tanong” at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Pakikipag-usap sa mga Tao.” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal. Itanghal kung papaano makapagsisimula ng mga pakikipag-usap sa mga pintuan at sa mga tao sa labas.
15 min: Pahayag sa “Papaano Pinauunlad ni Jehova ang Kaniyang Gawain” salig sa Bantayan ng Disyembre 1, 1990, mga pahina 22-5.
Awit 93 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 4-10
10 min: Lokal na mga patalastas. Isaalang-alang din ang artikulong, “Maging Banal sa Lahat ng Inyong Paggawi.”
20 min: “Nangaturuan ni Jehova.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paaralan sa tagapakinig.
15 min: Lokal na mga pangangailangan o pahayag sa “Ipanalangin Ninyo ang Isa’t Isa” salig sa artikulo ng Nobyembre 15, 1990 ng Bantayan.
Awit 55 at pansarang panalangin.