Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HUNYO 10-16
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan.
20 min: “Panumbalikin ang mga Tao Mula sa Kadiliman Tungo sa Liwanag.” Tanong-sagot na pagtalakay. Sa parapo 6, talakayin ang Paksang Mapag-uusapan at itatanghal ng isang may kakayahang mamamahayag kung papaano ito gagamitin kasama ng alok na aklat na Paghahanap sa Diyos.
13 min: Talakayin ang “Tanong” sa pahina 3. Idiin ang mga pagpapala na nagmumula sa pagsunod sa mga teokratikong rekomendasyon.
Awit 192 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Ilakip ang mga tugon sa donasyon.
20 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral na Ginagamit Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.” Tanong-sagot. Kapag tinatalakay ang parapo 6, ang mga kuwalipikadong mamamahayag na patiunang naghanda ay hilinging magbigay ng mga mungkahi at komento hinggil sa pagpapasimula ng isang pag-aaral sa kabanata 11 o kabanata 13.
15 min: Pahayag sa “Pagkuwenta sa Magagasta sa Paglipat sa Mayamang Bansa,” mula sa Bantayan ng Abril 1, 1991, mga pahina 26-9.
Awit 65 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HUNYO 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas. Itampok ang isa o dalawang litaw na mga punto mula sa kasalukuyang magasin.
18 min: “Pagtulong sa Iba Kapag Nasa Paglilingkod sa Larangan.” Pahayag, kasama ng pakikibahagi ng tagapakinig. Maikling pakikipanayam sa huwarang mamamahayag na nagpapaliwanag sa personal na mga kapakinabangan sa paggawang kasama ng iba sa paglilingkod sa larangan.
17 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Higit na Magkakabisa sa Pamamagitan ng Pakikinig.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung papaanong nawalan ng pagkakataon ang isang mamamahayag para sa isang mainam na pakikipag-usap dahilan sa hindi pakikinig sa komento ng maybahay. Tanungin ang tagapakinig kung papaano ito dapat pinakitunguhan. Pagkatapos ay ipaulit sa mamamahayag ding iyon ang pagtatanghal, subali’t sa pagkakataong ito ay ipakita kung papaano ito wastong gagawin sa pamamagitan ng isang mabuting pakikipag-usap sa maybahay.
Awit 115 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 1-7
10 min. Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 min: “Gamitin ang Bibliya sa Paglilingkod sa Larangan.” Tanong-sagot na pagtalakay. May kaugnayan sa parapo 5, magkaroon ng isang maikling pagtatanghal kung papaanong ang isang mamamahayag ay magbibigay ng isang mabisang patotoo na isa lamang teksto ang ginagamit mula sa Paksang Mapag-uusapan.
15 min: Pag-aalok ng mga Brochure sa Hulyo at Agosto. Talakayin ang gagamiting bagong Paksang Mapag-uusapan na “Ang Mabubuting Kalagayan ay Nasa Unahan Natin.” Ang mga mungkahing kasulatan ay 2 Pedro 3:13 (ipinangakong bagong sanlibutan) at Apocalipsis 21:4 (mga kalagayang iiral). Repasuhin ang mga litaw na punto sa mga brochure. Itanghal ang isa sa mga mungkahi kasama ng Paksang Mapag-uusapan.
Awit 151 at pansarang panalangin.