Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/92 p. 3
  • Pagpapayunir—Isang Kapahayagan ng Pag-ibig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapayunir—Isang Kapahayagan ng Pag-ibig
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Paglilingkuran Bilang Payunir—Ito Ba’y Para sa Iyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Pagpapamalas sa “Espiritu ng Pananampalataya”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Ang Regular Payunir na Paglilingkuran—Isang Paanyayang Aakay sa Higit na Kaligayahan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 7/92 p. 3

Pagpapayunir—Isang Kapahayagan ng Pag-ibig

1 Pag-ibig kay Jehova at sa ating kapuwa-tao ang nagpapakilos sa atin na lubusang makibahagi sa gawaing pangangaral. Habang lumalaki ang ating pag-ibig kay Jehova at sa mga tao, napasisigla tayong magplano para sa higit pang pakikibahagi sa ministeryo. Ang ating pag-ibig ay lumalaki habang tayo’y sumusulong sa “tumpak na kaalaman” sa Salita ng Diyos. (Fil. 1:9, 10) Habang higit tayong natututo hinggil sa kalooban ni Jehova, lalo nating napapahalagahan ang pagkaapurahan ng panahong kinabubuhayan natin. Pinag-iibayo nito ang ating pagkabahala sa iba. Marami ang nagpapahayag ng maibiging pagkabahala sa iba sa pamamagitan ng pagsali sa gawaing pagpapayunir.

2 Makagagawa ba kayo ng kinakailangang mga pagbabago upang maging isang auxiliary o regular payunir? Sabihin pa, tayong lahat ay hindi makapagpapayunir. Subalit dapat suriing may pananalangin ng bawat isa ang kaniyang kalagayan. Ang pagpasok sa gawaing auxiliary o regular payunir ay malamang na hindi mangyayari kung ipagpapaubaya lamang ito sa pagkakataon. Ang positibong pagsisikap na nagmumula sa pusong nauudyukan nang wasto ay nagbubunga ng pagpapala ni Jehova. Ilapit ang bagay na ito kay Jehova sa panalangin. Ipahayag sa kaniya ang nasa ng inyong puso. (1 Juan 5:14; 2 Tes. 3:1) Gumawa ng tapat na pagsusuri sa inyong mga kalagayan upang makita kung saan dapat gumawa ng mga pagbabago para maabot ang mga kahilingan.

3 Bihira lamang sa mga Kristiyano ang may maraming libreng panahon upang makapagpayunir; kaya dapat ‘bilhin ang pagkakataon’ mula sa di kinakailangang mga bagay na kasalukuyang kumukuha ng ating panahon. (Efe. 5:15-17) Ang ating pag-ibig sa Diyos at sa mga tao ang dapat mag-udyok sa atin na isakripisyo ang ilan sa ating mga personal na kagustuhan at kaalwanan upang higit nating maipahayag nang lubusan ang ating pag-ibig. (Mar. 12:33) Ang marami sa mga bagay na ating taglay, at marahil ay nadarama nating normal lamang, ay maaaring minamalas namang karangyaan sa ibang bahagi ng daigdig.

4 Ano ang magagawa ng mga magulang upang tulungan ang kanilang mga anak na mag-isip sa ganitong maka-Diyos na paraan? Dapat na iharap ng mga magulang sa kanilang mga anak ang teokratikong mga tunguhin habang musmos pa. Samantalang lumalapit ang kanilang pagtatapos sa paaralan, sila ba’y nag-iisip hinggil sa sekular na mga tunguhin o yaong sa espirituwal? Nanaisin nating tulungan ang ating mga kabataan na makita ang walang hanggang kapakinabangan ng pagpasok sa gawaing pagpapayunir habang bata pa. Ito’y pag-iimbak ng mga kayamanan sa langit. (Mat. 6:19-21) Ito’y nakalulugod sa Diyos at nagpapatunay sa ating katapatan at debosyon sa kaniya. At ito’y nagliligtas ng buhay ng iba.

5 Ang tuwirang pakikipag-usap sa iba pang mga payunir, sa inyong tagapangasiwa sa paglilingkod, o sa inyong konduktor sa Pag-aaral sa Aklat ay makatutulong sa inyo. (Kaw. 15:22; 16:3) Maaari ring pagmulan ng pampatibay-loob at suporta ang mga miyembro ng sambahayan sa inyong pagnanais na maging isang payunir.

6 Kalooban ng Diyos na ‘lahat ng uri ng mga tao ay maligtas.’ (1 Tim. 2:4) Maipakikita ba natin na gayon din ang ating kalooban? Maaari, kung kusang-loob nating inuuna ang mga kapakanan ng Kaharian. Magagawa rin natin ito kung tayo’y magtitiwalang paglalaanan ni Jehova ang ating mga pangangailangan sa buhay. (Mat. 6:31-33) Maaaring sumamâ pa ang kalagayan sa ekonomiya, subalit ang pangako ni Jehova na pangangalagaan tayo ay hindi nagbabago.—Awit 37:25.

7 Ang lubusang pagsisikap natin na makibahagi sa ministeryo sa larangan habang ipinahihintulot ng ating mga kalagayan ay kapahayagan ng pag-ibig. Para sa ilan ito’y nangangahulugan ng pagiging isang regular payunir. Bakit hindi gawin ang lahat ng magagawa ninyo upang magsimula sa Setyembre 1, 1992?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share