Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Agosto
Linggo ng Agosto 10-16
10 min: Angkop na Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian at anumang lokal na patalastas. Itampok din ang dalawang espisipikong litaw na mga punto na maaaring gamitin sa paghaharap ng pinakabagong isyu ng Ang Bantayan.
20 min: “Gamitin ang mga Brochure Upang Ibahagi ang Inyong Pag-asa sa Kaharian.” Tanong-sagot na pagtalakay; mga pagtatanghal. Ipabatid sa kongregasyon ang makukuhang brochure sa stock, at hilingin ang komento ng tagapakinig kung ano ang angkop na brochure para sa lokal na teritoryo. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 9, itanghal kung papaanong ang angkop na brochure ay maaaring ialok sa impormal na paraan sa kapitbahay, kasama sa trabaho, o saanman. Habang ipinahihintulot ng panahon, patiunang mag-atas ng mga mamamahayag upang maglahad ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng mga brochure. Masiglang himukin ang mga kapatid na magkaroon ng lubusang bahagi sa pag-aalok ng mga brochure sa Agosto.
15 min: Buong-Panahong Paglilingkod—Isang Mainam na Pagkakataon Upang Lumakad Kasama ng Diyos. (Mik. 6:8) Kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod, kung maaari ay nasa buong-panahong paglilingkod, ang magbibigay ng nakapagpapatibay na pahayag sa pagpapayunir. Maaaring gamitin ang karanasan ng isang kapatid na babae sa Italya sa artikulong “Ang Hangad Kong Maging Sikat na Mananayaw” sa Hunyo 22, 1992 ng Gumising! upang pasiglahin ang pagpapayunir. Kapanayamin ang isa o dalawang payunir upang kumuha ng mga praktikal na mungkahi na makatutulong sa mga mamamahayag ng kongregasyon para taimtim na isaalang-alang ang pagpapayunir. Ang bagong taon ng paglilingkod ay isang mainam na panahon upang magpasimula. Ang mga magpapasimula sa Setyembre 1, 1992 ay maaaring maging kuwalipikadong dumalo sa Pioneer Service School sa 1993.
Awit 165 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa kongregasyon ang kaayusan sa paglilingkod sa larangan.
20 min: “Pag-uugnay ng Ating Pambungad sa Literatura.” Maikling pahayag at pagtatanghal. Isaayos na itanghal ng kabataang mamamahayag ang maka-Kasulatang presentasyon na ginagamit ang mga mungkahi sa parapo 2. Kapag iniharap ang Isaias 65:21-23, gamitin ang binalangkas na paglapit sa parapo 5. Isa pang mamamahayag ang maaaring magtanghal ng alok na brochure na “Narito!”, na ginagamit ang mga mungkahi sa parapo 3 at 4. Sa dalawang ito idiriin ng tsirman kung papaanong ang presentasyon ay iniugnay sa alok na literatura. Sa isang presentasyon ay itanghal kung ano ang gagawin ng mamamahayag kapag walang ipinakitang interes ang maybahay. Ipagunita sa mga kapatid na kunin ang suplay ng mga brochure at magasin pagkatapos ng pulong.
15 min: Mga Tanong Hinggil sa Armagedon. Pahayag na sumasaklaw sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 41-6 (44-9 sa Ingles).
Awit 137 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 24-30
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang ulat ng paglilingkod sa larangan noong Hulyo, na nagbibigay ng komendasyon kasama ng mga kinakailangang pampatibay-loob para sa ikasusulong pa. Ipakita kung papaanong ang pagsasaalang-alang sa taunang teksto kasama ng konteksto ay makatutulong sa atin upang masumpungan ang tunay na kaligayahan habang tayo’y nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan at nakikisama sa kongregasyon. (Roma 12:9-16) Habang ipinahihintulot ng panahon, magbigay ng isa o dalawang angkop na mga litaw na punto para magamit sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.
15 min: “Kayo ba ay Nag-aalok ng mga Pag-aaral sa Bibliya?” Tanong-sagot na pagtalakay na sinusundan ng piling mga karanasan na nagpapakita kung papaano mapasisimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw o sa isang pagdalaw muli.
15 min: Lokal na mga pangangailangan, o kapanayamin ang tatlo o apat na mamamahayag kung ano ang nakaakit sa kanila sa katotohanan. Maaaring ilakip ang anumang hadlang na kanilang napagtagumpayan.
Awit 184 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agos. 31–Set. 6
10 min: Lokal na mga patalastas. “Tanong.” Maaaring atasan ang tagapangasiwa sa paglilingkod sa bahaging ito.
20 min: “Paglinang ng Interes sa Pabalita ng Kaharian.” Pagkatapos ng maikling pambungad, itanghal ang pagdalaw muli sa (1) taong tumanggap ng brochure na Pamahalaan, (2) taong nagpakita ng interes subalit hindi tumanggap ng literatura, at (3) taong tumanggap ng brochure na “Narito!” Sa bawat kaso ilatag ang saligan para sa susunod na pagdalaw muli.
15 min: Pahayag sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Kailangan Kong Maging Iba?” sa Gumising! ng Hunyo 8, 1992, pahina 16-18. Dapat ipatungkol ito ng tagapagsalita sa mga kabataang nasa paaralan, na tinutulungan silang huwag padala sa hangaring maging sikat sa mga kamag-aral kundi ipakita sa pamamagitan ng kanilang mainam na pag-uugali kung papaano gumagawi ang isang tunay na Kristiyano, upang maakit ang may mabuting kalagayan ng puso. Gayumpaman, ipakita na ang mga simulaing tinalakay ay kumakapit sa lahat ng mga Kristiyano, hindi lamang sa mga kabataan.
Awit 157 at pansarang panalangin.