Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 5-11
  • Linggo ng Abril 12-18
  • Linggo ng Abril 19-25
  • Linggo ng Abr. 26–Mayo 2
  • Linggo ng Mayo 3-9
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 4/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 5-11

Awit 9

10 min: Lokal na mga patalastas, Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian, at Teokratikong mga Balita.

20 min: “Ipangaral ang Daan ng Diyos sa Kapayapaan at Katiwasayan.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Pagkatapos talakayin ang parapo 3, itatanghal ng naghandang mabuting mamamahayag kung papaanong ang isang pag-aaral sa Bibliya ay maaaring mapasimulan sa pamamagitan ng paggamit ng tract na, Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas? Mamamahayag: “Magandang umaga po. Kami ay nakikipag-usap sa mga tao ngayon hinggil sa uri ng buhay. Nasisiyahan na ba kayo sa inyong nakikita sa buhay ng mga tao sa ngayon?” Maybahay: “Tunay na hindi.” Mamamahayag: “Sa palagay ba ninyo’y bubuti pa ito?” Maybahay: “Aywan ko.” Ang mamamahayag ay nag-alok ng tract at nagsabi: “Iniisip ng ilan na ang nangyayari ngayon ay katuparan ng hula ng Bibliya at na ang katapusan ng sanlibutan ay malapit na. Ano sa palagay ninyo?” Maybahay: “Aywan ko. Sa palagay ko’y posible ito.” Pagkatapos ay bumaling ang mamamahayag sa tract at ipinaliwanag na ang katapusan ng sanlibutan ay hindi nangangahulugan ng katapusan ng literal na mga langit at lupa. Isinaayos ng mamamahayag ang susunod na pagdalaw upang isaalang-alang ang patotoo ng Bibliya na malapit na ang katapusan.

15 min: “Gumawa ng Isang Gumaganyak na Pambungad.” Pahayag lakip ang dalawa o tatlong pagtatanghal na ginagamit ang mga artikulo sa mga magasin ng Abril.

Awit 114 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 12-18

Awit 128

5 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Paggamit ng mga Tract Upang Magluwal ng mga Kapakipakinabang na Resulta”—Bahagi 1. Tanong-sagot na pagsasaalang-alang sa mga parapo 1-8 ng insert. Pagkatapos ng parapo 5, itanghal ang paggamit ng tract na Tamasahin ang Buhay Pampamilya upang pasimulan ang isang pag-uusap. Pagkatapos ng parapo 8, itanghal ang isang impormal na pagpapatotoo sa pamamagitan ng tract.

20 min: Pagtulong sa Ating mga Estudyante sa Bibliya. Pagtalakay sa tagapakinig na nagdiriin ng pangangailangang magbigay ng karagdagang tulong sa mga estudyante sa Bibliya bukod pa sa basta pagdaraos ng pag-aaral. (1 Tes. 2:8) Gumamit ng karagdagang panahon upang pasiglahin ang pagnanais na dumalo sa mga pulong. Patibayin ang pagpapahalaga sa internasyonal na kapatiran sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga pansirkitong asamblea, pantanging araw ng asamblea, at pandistritong mga kombensiyon. Ipakita kung papaano maibabahagi sa iba sa impormal na paraan ang kanilang natutuhan. Ang mga estudyante sa Bibliya na nakakaabot sa mga kahilingang nakabalangkas sa mga pahina 98 at 99 ng aklat na Ating Ministeryo ay dapat tulungang maging mga di bautisadong mamamahayag. Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng pagnanais ukol sa pag-aalay at bautismo. Pagtatanghal: Tinutulungan ng mamamahayag ang estudyante sa Bibliya sa impormal na pagpapatotoo. Pinili ang mga punto sa larangan mula sa aklat na Mabuhay Magpakailanman at sinabi: “Makabubuting ibahagi ang puntong ito sa ilan sa iyong mga kamag-anak at mga kapitbahay. Maaari mong banggitin sa kanila na may natutuhan ka sa Bibliya na dati’y hindi mo alam.” Pasiglahin ang mga mamamahayag na patuloy na magbigay ng maibiging pangangalaga kahit na pagkatapos ng bautismo.

Awit 123 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 19-25

Awit 72

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon.

20 min: “Paggamit ng mga Tract Upang Magluwal ng mga Kapakipakinabang na Resulta”—Bahagi 2. Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 9-16 ng insert. Pagkatapos ng parapo 10, itanghal kung papaano magpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa pamamagitan ng isang tract. Pagkatapos ng parapo 13, itanghal kung papaano gagamitin ang tract na Ang Sanlibutan Bang Ito ay Makaliligtas? upang mapasimulan ang isang pag-aaral.

15 min: “Palakihin ang Interes sa Pamamagitan ng Paggawa ng Mabibisang Pagdalaw Muli.” Maikling pahayag na sinusundan ng pagtatanghal sa pag-uusap na binalangkas sa parapo 3.

Awit 32 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abr. 26–Mayo 2

Awit 66

10 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay sa “Tanong.”

20 min: Pag-aalaga sa mga May Edad. Pag-uusap at pakikipanayam ng dalawang kapatid. Sa “Mga Tagapagdala ng Liwanag” na Pandistritong Kombensiyon, isang symposium ang iniharap noong Linggo ng umaga na nagtatampok sa temang “Nag-aalaga sa Isa’t Isa sa Kristiyanong Sambahayan.” Ang huling bahagi “Sa Pamamagitan ng Pag-aalaga sa mga May Edad” ay nagdiin sa mahalagang bahaging ginagampanan ng mga may edad sa pamilya at sa kongregasyon. (Kaw. 16:31) Sa papaanong paraan matutulungan natin ang mga may edad? Ang pamilya ang may pangunahing pananagutan. (1 Tim. 5:3, 4, 8, 16) Ang pagtitiyaga at pakikiramay ay kailangan. Ang nagsilaking mga anak at mga apo ay may pagkakataong magpakita ng pagpapahalaga sa mga taon ng pag-ibig, pagpapagal, at pag-aaruga na ipinagkaloob ng mga magulang at mga nuno sa nakaraang panahon. (w87 6/1 13-18) Ang kongregasyon ay makatutulong din sa mga may edad. Anyayahan sila sa pagkain at sa mga salu-salo. (Roma 12:13) Tulungan sila sa ministeryo sa larangan. Maglaan ng transportasyon patungo sa mga pulong at mga asamblea. Tulungan sila sa pamimili at sa pag-aasikaso ng kanilang mga tahanan. (w87 6/1 4-7) Laging magpakita ng paggalang sa mga nakatatandang tao. (1 Tim. 5:1, 2) Kapanayamin ang isa o dalawang may edad na nagsisilbing mabubuting halimbawa.

15 min: Kakapanayamin ng matanda ang tatlo o apat na mamamahayag na nag-auxiliary payunir sa Abril at nagbabalak magpatuloy sa Mayo. Ano ang nagpakilos sa kanila upang magpayunir? Anong mga bunga ang kanilang natamo noong Abril? Papaano nakatulong sa kanila nang personal ang pagiging auxiliary payunir? Bakit sila nagpaplanong magpatuloy ng pagpapayunir sa Mayo? Pasiglahin ang lahat na maaaring mag-auxiliary payunir sa buwang ito, yamang ito’y may limang Sabado at limang Linggo.

Awit 172 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 3-9

Awit 105

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Magdaos ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Aklat na Mabuhay Magpakailanman.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 6, itanghal kung papaanong ang isang kabataan ay makapag-aalok at makapagsisimula ng isang pag-aaral sa Bibliya na ginagamit ang aklat na Mabuhay Magpakailanman.

15 min: “Ang Diyos ang Nagpapalago Niyaon—Ginagampanan Mo ba ang Iyong Bahagi?” Pahayag sa artikulo ng Marso 1, 1993 ng Bantayan, mga pahina 20-3.

Awit 87 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share