Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Mayo 10-16
  • Linggo ng Mayo 17-23
  • Linggo ng Mayo 24-30
  • Linggo ng Mayo 31–Hunyo 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 5/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo

Linggo ng Mayo 10-16

Awit 129

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga kasalukuyang isyu ng mga magasin, na itinatampok ang mga artikulong maaaring kumuha ng interes sa inyong teritoryo. Magsaayos para sa dalawang mamamahayag, isang matanda at isang bata, upang magtanghal ng maikling maka-Kasulatang mga presentasyon.

15 min: “Ang Bantayan—Espirituwal na Pagkain sa Tamang Panahon.” Tanong-sagot na pagtalakay. Idiin na, yamang kadalasang ang mga tao ay sumususkribe kapag sila’y nagkaroon na ng pagpapahalaga sa mga magasin, makabubuting mag-alok ng suskrisyon sa mga ruta ng magasin, sa mga kamanggagawa, sa mga kamag-aral, sa mga kamag-anak, at sa mga kakilala sa negosyo, bukod pa sa regular na mga bahagi ng ministeryo sa larangan.

20 min: “Iugnay ang mga Tract sa Iba Pang mga Literatura.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Itanghal ang mga maiikling presentasyon salig sa mga mungkahi sa mga parapo 2-6. Saklawin ang mga punto mula sa kahong “Huwag Kalilimutang Gamitin ang mga Brochure.”

Awit 14 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 17-23

Awit 15

10 min: Lokal na mga patalastas. Maglahad ng anumang mga namumukod tanging karanasan may kaugnayan sa pagdiriwang ng Memoryal. Pasiglahin ang lahat ng mga mamamahayag na gumawang kasama ng kani-kanilang grupo sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Tulungan ang mga Baguhan na Gumawa ng Pagsulong.” Isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o tatlong mga konduktor ng pag-aaral sa aklat. Pagkatapos repasuhin ang mga tampok na bahagi ng artikulo, ipaliwanag kung ano ang mga naisagawang plano upang ikapit ang mga mungkahi sa lokal na paraan. Papaano natin matutulungan ang mga baguhang interesado na nagsidalo sa Memoryal? Anong mga kahilingan ang dapat na maabot ng mga baguhan kung nais nilang makibahagi sa paglilingkod sa larangan? Ano ang maaaring gawin upang tulungan ang mga indibiduwal na noo’y naging di palagian sa kanilang pakikibahagi? Papaano natin mapasisigla ang lahat na magkaroon ng lubusang bahagi bawat buwan? Papaano matutulungan ng malalakas na mamamahayag ang iba?—Roma 15:1, 2.

15 min: “Tanong.” Positibo at nakapagpapatibay na pag-uusap ng tagapangasiwa sa paglilingkod o iba pang matanda na nakapaglingkod bilang auxiliary payunir. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na naglilingkod bilang mga auxiliary payunir sa pana-panahon.

Awit 39 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 24-30

Awit 194

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Basahin ang ulat ng kuwenta at anumang mga tugon sa donasyon. Basahin ang Lucas 6:38, at papurihan ang kongregasyon sa kanilang pagkabukas-palad na pagsuporta sa pambuong daigdig na gawain at gayundin sa mga pangangailangan ng lokal na kongregasyon.

15 min: “Payak at Mabisang mga Pagdalaw Muli.” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng isang pagtatanghal na nagpapakita kung papaano pasisimulan ang pag-uusap sa pagdalaw muli.

20 min: “Magagawa ba Ninyo ang Higit pa Upang Parangalan si Jehova?” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 1-10 ng insert.

Awit 28 at pansarang panalangin.

Linggo ng Mayo 31–Hunyo 6

Awit 180

10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Anyayahan ang mga indibiduwal na maglahad ng mga karanasan hinggil sa pinalawak nilang gawain sa paglilingkod sa larangan sa buwang ito, tulad ng pagiging isang auxiliary payunir, pagpapasimula ng mga bagong pag-aaral sa Bibliya, o pagtulong sa mga taong interesado na nakadalo sa Memoryal.

15 min: Itampok ang Aklat na Creation sa Hunyo. Pahayag na may pagtatanghal. Talakayin ang mga litaw na punto at mga ilustrasyon na maaaring itampok kapag nag-aalok ng aklat na Creation. Ang mga punto sa aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng uluhang “Paglalang” ay maaaring gamitin kapag angkop. Marahil ang materyal sa mga kabanata 16 at 19 sa “Why Would God Permit Suffering?” at “An Earthly Paradise Soon to Come” ay makakaakit sa maybahay. Itanghal ng kuwalipikadong mamamahayag ang alok, na ginagamit ang Kawikaan 2:21, 22 at ang ilustrasyon sa pahina 197, na matingkad na nagpapakitang ang orihinal na layunin ng Diyos para sa paglalang sa lupa ay malapit nang matupad.

20 min: “Magagawa ba Ninyo ang Higit Pa Upang Parangalan si Jehova?” Tanong-sagot na pagsaklaw sa mga parapo 11-22 ng insert.

Awit 127 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share