Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Kapanayamin ang ilang nag-auxiliary payunir noong Abril at Mayo na ngayo’y nagpaplanong magpatuloy bilang mga regular payunir o pahabain pa ang kanilang pagiging auxiliary payunir.
15 min: “Purihin ang Diyos ng Paglalang.” Tanong-sagot na pagkubre sa artikulo. Patiunang isaayos na ang mga huwarang kabataan ay maglahad ng mga karanasan mula sa mga publikasyong binanggit sa parapo 4, at isa pang mamamahayag ang maaaring maglahad ng karanasang binanggit sa parapo 5. Himukin ang lahat na gamitin ang aklat na Creation sa lahat ng pagkakataon sa Hunyo at ilatag ang saligan para sa isang pagdalaw muli kapag may ipinakitang tunay na interes.
20 min: “Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes.” Talakayin sa tagapakinig kung papaano ikakapit ang mga mungkahi sa inyong lokal na teritoryo. Magsaayos ng dalawa o tatlong makatotohanan, mabuti ang pagkakahandang mga pagtatanghal, na ginagamit ang mga ideyang iniharap sa mga parapo 3 hanggang 5 ng artikulo.
Awit 104 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Tinamasang mga karanasan kamakailan sa paggawa taglay ang aklat na Creation. Marami bang mga mamamahayag ang nakapagsimula ng mga pag-aaral sa Bibliya? (Ang mga ito ay dapat ihanay nang patiuna.)
20 min: “Matutong Makibagay sa Inyong Ministeryo.” Pahayag na may ilang pakikibahagi ng tagapakinig. Ilakip ang dalawang maiikling pagtatanghal kapag tinatalakay ang mga parapo 3-5. Kapag itinatanghal ang punto sa mga parapo 4 at 5, ipakita kung papaanong ang isang matandang mamamahayag at isang kabataan pa ay maaaring gumawang magkasama sa ministeryo sa bahay-bahay gaya ng binalangkas sa artikulo. Idiin ang pangangailangang makasumpong ng kagalakan sa ministeryo anuman ang maging resulta.
15 min: Ang Diyos ba ay Nagpapatawad sa Ating mga Kasalanan? Dalawang matanda ang naghahanda para sa pagpapastol. Kanilang tinatalakay kung papaano tutulungan ang isang kapatid na binabagabag pa rin ng nakaraang kasalanan at nag-iisip kung siya’y pinatawad na ng Diyos. Nirepaso ng mga matatanda ang materyal sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 331-4 (p. 81-4 sa Ingles), at gayundin sa aklat na Insight, Tomo I, mga pahina 861-2. Kanilang isinaalang-alang ang pangangailangang pakitunguhan nila nang may kabaitan ang kapatid na ito at itampok ang kaawaan ni Jehova at pagnanais na magpatawad. May balak din silang idiniin ang pangangailangan para sa personal na pagsisikap sa bahagi ng kapatid; ang pagtatapat lamang ay hindi sapat. Imumungkahi ng mga matatanda na makikipagkita sa kapatid sa pana-panahon, na gumagawa ng espirituwal na pagtulong.
Awit 214 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta at mga tugon sa donasyon. Papurihan ang kongregasyon sa pinansiyal na pagtataguyod sa lokal na kongregasyon at gayundin sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan. Maikling pagbaling sa artikulong “Hindi mga Tagapaglako ng Salita ng Diyos” sa Bantayan ng Disyembre 1, 1992, mga pahina 26-9 upang ipakita ang iba’t ibang paraan ng pagtataguyod ng bayan ng Diyos sa gawaing pang-Kaharian.
20 min: “Tiyaking Dumalaw Muli.” Tanong-sagot na pagtalakay. Ilakip ang isang inihandang mabuting pagtatanghal na sumasaklaw sa impormasyong isinaalang-alang sa parapo 6. Itampok ang pangangailangang dumalaw muli sa mga taong interesado na maagang nasumpungan sa buwang ito.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag ng matanda sa “Bakit Napakadaling Magsinungaling?” sa Disyembre 15, 1992, isyu ng Ang Bantayan, mga pahina 21-3.
Awit 54 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hun. 28–Hul. 4
5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ipagunita sa mga kapatid na mag-ulat kaagad sa katapusan ng Hunyo at kumuha ng mga suplay ng aklat na Pinakadakilang Tao para sa alok na literatura sa Hulyo.
15 min: “Mga Kabataan—Maging Bihasa sa Pag-ugit sa Inyong mga Hakbang.” Tanong-sagot na pagkubre sa materyal. Pagkatapos ng parapo 3, magkaroon ng maikling pagtatanghal na hinihiling ng kabataang mamamahayag sa isang nakatatandang mamamahayag na gumawang kasama niya sa paglilingkod sa larangan. Ang matandang mamamahayag ay nalugod na tanggapin iyon at nagmungkahing repasuhin nila ang kanilang presentasyon bago gumawang magkasama.
15 min: Ang Kahalagahan ng Espirituwalidad ng Pamilya. Pahayag ng matanda. Talakayin ang pangangailangan na isaalang-alang ng pamilya ang pang-araw-araw na teksto, na binabalangkas kung papaano ito maaaring magawa sa ilalim ng iba’t ibang mga kalagayan at mga eskedyul ng pamilya. Gayundin idiin ang pangangailangan para sa pananalangin ng pamilya kahit na minsan sa isang araw. Ito’y maaaring gawin bago matulog. Ang nakakatulad na simulain ay kakapit sa nahahating sambahayan, mga pamilya ng nagsosolong magulang, at mga pamilyang walang anak. Ang paghahanda ng pamilya ay gumaganap din ng isang bahagi sa pagkakamit ng malaking kapakinabangan mula sa mga pulong ng kongregasyon bawat linggo at pagpapalakas din sa pananampalataya ng iba.—Heb. 10:23-25.
10 min: “Pagkapanganak-na-Muli.” Aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 280-4 (76-80 sa Ingles). Pagtatanghal ng dalawang mamamahayag na may nasumpungan sa gawaing pagbabahay-bahay na nagtanong ng, “Kayo ba’y naipanganak nang muli?” Tumugon ang mga mamamahayag sa pamamaraang iminungkahi sa mga pahina 283-4 (79-80 sa Ingles). Pagkatapos, pinag-usapan ng mga mamamahayag ang pagdalaw muli na ginagamit ang mga punto mula sa mga kasulatan sa mga parapo 1-3 sa pahina 282 (p. 78 sa Ingles).
Awit 223 at pansarang panalangin.