Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo
Linggo ng Hulyo 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas. Itanghal ang kahalagahan ng pagtataglay ng magasin na magagamit sa impormal na pagpapatotoo.
15 min: “Tulungan ang Iba na Matuto Tungkol sa Pinakadakilang Tao.” Tanong-sagot na pagtalakay. Habang ipinahihintulot ng panahon, makinig sa mga komento ng tagapakinig kung papaano sila nasiyahan sa pagtalakay ng publikasyon sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
20 min: “Gamitin ang mga Tract Upang Iharap ang Aklat na Pinakadakilang Tao.” Pagtalakay sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang demonstrasyon. Dapat na gamitin ng una ang iminungkahing presentasyon sa parapo 2. Pagkatapos na iharap ang tract, napansin ng mamamahayag na kakaunti ang interes ng maybahay anupat nagpasiyang mag-alok na lamang ng dalawang magasin sa halip na aklat. Ang ikalawang demonstrasyon ay dapat na gumamit ng nakakatulad na presentasyon sa parapo 2, subalit ang maybahay sa pagkakataong ito ay nagpakita ng interes. Nagpatuloy ang mamamahayag sa paghaharap ng aklat pagkatapos ng maikling pagtalakay ng impormasyon sa tract.
Awit 205 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Imungkahi ang angkop na mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin na magagamit sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito.
15 min: “Tanong.” Pahayag ng matanda. Ipakita ang ating pananagutan na gumawi nang wasto kapag dumadalo sa mga bautismo. Ilakip ang mga kaugnay na punto sa “Tanong” sa Enero 1992 Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Kung Bakit Napakahalaga ng mga Tract sa Ating Ministeryo Ngayon.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos ng huling parapo, magkaroon ng demonstrasyon na nagpapakita kung gaano kadali na gamitin ang tract sa impormal na pagpapatotoo.
Awit 126 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Banggitin ang mga tampok na bahagi sa Ulat sa Paglilingkod ng Marso. Banggitin din ang bahagi ng lokal na kongregasyon sa ulat ng paglilingkod sa larangan sa buwang iyon. Ilakip ang ulat ng kuwenta at basahin ang anumang tugon sa mga donasyon. Ipahayag ang pagpapahalaga sa pinansiyal na tulong sa lokal na kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan.
15 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Aklat na Pinakadakilang Tao.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos ng parapo 2, itanghal kung papaano magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya sa aklat. Nagpapasimula ang mamamahayag sa pamamagitan ng pagbasa sa unang tatlong parapo sa kabanata 111 ng aklat at pagkatapos ay nagpapatuloy sa iminungkahing presentasyon sa parapo 2 ng artikulo.
20 min: Pahayag hinggil sa Paglalang, salig sa aklat na Nangangatuwiran, mga pahina 291-5 (84-8 sa Ingles). Ang tagapagsalita ay dapat na maging mapamili sa paggamit ng mga punto na makukubrehan lamang sa itinakdang panahon.
Awit 79 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hul. 26–Agos. 1
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Itawag-pansin ang ilang mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin na maaaring gamitin sa ministeryo sa bahay-bahay o sa impormal na pagpapatotoo.
20 min: “Maging Regular sa Paglilingkod sa Larangan.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod o ng iba pang kuwalipikadong kapatid na lalake. Repasuhin ang impormasyon sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, mga pahina 106-10, habang ipinahihintulot ng panahon. Idiin ang pangangailangan para sa lahat na makibahagi nang regular sa ministeryo at ibigay kaagad ang mga ulat sa paglilingkod sa larangan sa katapusan ng buwan.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. Maaaring repasuhin ang mga punto na kailangan ng kongregasyon gaya ng ipinakita sa huling dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, o maaaring repasuhin ang pagsulong ng kongregasyon sa pagkapalagian at mga pag-aaral sa Bibliya, marahil ay gagamitin ang mga artikulo sa mga nakaraang labas ng Ating Ministeryo sa Kaharian na tumatalakay sa mga puntong ito.
Awit 71 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas at dalawa o tatlong mga demonstrasyon ng may kakayahang mga mamamahayag, na ipinakikita kung papaanong ang iba’t ibang brochure ay maaaring ialok sa madla sa Agosto. Ang isa sa mga demonstrasyon ay para sa impormal na pagpapatotoo na ginagamit ang mga brochure.
20 min: Pahayag ng isang matanda sa “Hayaang ang Inyong Oo ay Mangahulugang Oo,” salig sa mga salita ni Jesus sa Mateo 5:37. Dapat idiin nito ang pangangailangan na maging tapat sa ating salita, lakip na sa ating panata ng pag-aalay o sa ating aplikasyon bilang regular o auxiliary payunir. Yaong mga may Kingdom Hall loan ay nagsabi sa harap ni Jehova na sila’y handang magbayad ng tiyak na halaga bawat buwan sa Samahan upang ang iba pa ay makinabang. Hinggil dito, makabubuti sa tagapagsalita na tukuyin ang mga parapo 12-15 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian noong Disyembre 1991, na aktuwal na binabasa ang mga parapong ito at ang mga binanggit na kasulatan. Magtapos sa pananalita ni Jesus sa Mateo 12:37.
15 min: Pahayag salig sa artikulong “Ikaw ba ay Lubos na Sumusunod kay Jehova?” sa Mayo 15, 1993 ng Ang Bantayan.
Awit 38 at pansarang panalangin.