The Bible—Mankind’s Oldest Modern Book
1 Yamang ang Bibliya ay Salita ng Diyos, makapagtitiwala tayo na ito’y nagbibigay ng lumulutas na mga kasagutan sa makabagong panahong mga suliranin. At ang organisasyon ni Jehova ay naglalaan ng praktikal na tulong upang masumpungan ang gayong mga kasagutan sa mga publikasyon at gayundin sa mga video. Kaya, kami ay nalulugod na ibalita na ang bersiyong Ingles ng The Bible—Mankind’s Oldest Modern Book, ikalawa sa tatlong video na nagpapakita sa pagiging kinasihan ng Bibliya, ay makukuha na ngayon sa Pilipinas. Ito’y may habang 40 minuto.
2 Gaya ng unang video sa seryeng ito, ang ikalawang ito ay nagpapatibay din ng pagtitiwala sa Bibliya bilang banal na patnubay. Ito’y gumagamit ng mga larawang kinuha sa mga lupain ng Bibliya at sa mga museo sa palibot ng daigdig upang tulungan tayong mabatid kung papaano iningatan ni Jehova ang Bibliya sa loob ng daan-daang taon hanggang sa ating kaarawan. Makikita ninyo kung papaanong ang katumpakan ng Bibliya ay napanatili sa kabila ng paulit-ulit na pagkopya at pagsasalin. Makikita ninyo kung papaano naingatan ito sa harap ng matinding pagsalangsang. Makikita din ninyo ang buháy na patotoo kung papaanong ang Bibliya ay nagpabago sa buhay ng mga tao para sa ikabubuti.
3 Ang videong ito ay makatutulong sa pag-uusap ng pamilya sa Bibliya at para sa estudyante sa Bibliya—gaya ng isa na nauna. Kami ay nakatitiyak na pagpapalain ni Jehova ang paggamit nito. Maaari na itong pididuhin sa pamamagitan ng inyong departamento ng literatura sa kongregasyon gaya ng nabanggit sa ilalim ng Mga Patalastas. Ang video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name ay makukuha ring muli. Ang mga videong ito ay para lamang sa VHS recorder at hindi magagamit sa mga Betamax recorder.