Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo
Linggo ng Mayo 2-8
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Patuloy na Itaguyod ang mga Teokratikong Gawain sa Mayo.” Tanong-sagot.
5 min: “Kailangan Ko Bang Laging Magbago?” Pagtalakay sa pagitan ng dalawang matanda.
15 min: “Gamitin ang mga Magasin Upang Ibahagi ang Katotohanan.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang maikling demonstrasyon.
Awit 128 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na maging alisto sa mga pagkakataon upang kumuha ng suskrisyon.
20 min: “Ihanda ang mga Estudyante sa Bibliya Para sa Ministeryo.” Tanong-sagot. Sa parapo 4 at 5, magkaroon ng maikling demonstrasyon na nagpapakita kung papaano tutulungan ang estudyante na maghanda para magpatotoo sa pintuan. Ang estudyante ay nagpasimula sa payak na presentasyon na ginagamit ang Awit 37:11. Biglang sumabad ang nagtuturo sa pagsasabing, “Mayroon na akong relihiyon.” Hindi malaman ng estudyante kung ano ang sasabihin. Ang dalawa ay bumaling sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 17 at 18 (p. 18, 19 sa Ingles), at pumili ng sagot na maaaring madaling gamitin ng estudyante. Nagpatuloy ang estudyante at nagbigay ng mabuting sagot.
15 min: Tangkilikin ang Ating Kingdom Hall. Pahayag ng matanda sa pangangailangan para tumulong ang lahat sa pagpapanatili ng Kingdom Hall sa mabuting kalagayan. Kung may kasalukuyang plano sa pagtatayo o pagkukumpuni ng Kingdom Hall, ipakita ang pangangailangan na palakihin ang lokal na pondo para sa layuning ito. Ang mga may Kingdom Hall loan ay nangangailangang magbayad nito sa Samahan bawat buwan. Repasuhin ang tampok na bahagi ng seksiyong “Pagtustos sa Lokal na Pulungang-Dako” sa pahina 343-5 ng Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos.
Awit 139 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
17 min: “Bumalik Kung Saan Kayo Nakasumpong ng Interes.” Tanong-sagot. Itanghal ang isa o dalawang mungkahing presentasyon.
18 min: “Pakikinabang Nang Lubusan Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro.” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig ng tagapangasiwa sa paaralan.
Awit 53 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Binibigyang-Dangal Mo ba ang Iba Pagka Nagbibigay Ka ng Payo?” Pahayag ng matanda salig sa Pebrero 1, 1994, Bantayan, pahina 25-9.
15 min: Anong Masama sa Pagsubok sa Droga? Nakikipag-usap ang dalawang mamamahayag na tin-edyer sa isang matanda hinggil sa malaganap na paggamit ng droga sa paaralan. Tinalakay ng matanda ang giya sa paggamit ng droga sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 133-9 (106-12 sa Ingles). Binasa ng mga kabataan ang mga kasulatan, at nangatuwiran sa kanila ang matanda hinggil sa materyal. Nagbigay ang mga kabataan ng kanilang mga mungkahi sa iba’t ibang paraan na mapaglalabanan nila ang panggigipit ng kanilang mga ka-edad.
Awit 19 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 30–Hun. 5
10 min: lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: Repasuhin ang alok na literatura sa Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Itawag-pansin ang nakakaakit na mga ilustrasyon gaya ng nasa mga pahina 6, 236, 243, at 245. Itanghal ang isang maikling presentasyon na ginagamit ang teksto sa Apocalipsis 21:4.
20 min: “Ang mga Payunir ay Nagbibigay at Tumatanggap ng mga Pagpapala.” Pahayag salig sa Enero 15, 1994 Bantayan, mga pahina 21-3. Pasiglahin ang mga nag-auxiliary payunir sa tag-araw na ito na isaalang-alang ang mga punto sa artikulo upang makita kung sila’y maaari na ngayong magpatala bilang mga regular payunir.
Awit 12 at pansarang panalangin.