Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal sa maikli kung papaanong ang pinakabagong magasin ay maaaring ialok sa bahay-bahay sa dulong sanlinggong ito.
20 min: “Kayo ba’y Naghahasik Nang Sagana?” Tanong-sagot. Habang ipinahihintulot ng panahon, anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang personal na mga karanasan na nagpapakita kung papaano sila gumawa ng ekstrang pagsisikap sa ilang bahagi ng kanilang paglilingkuran at pinagpala dahilan dito.
15 min: “Pagtulong sa Iba na Parangalan ang Ating Maylikha.” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang demonstrasyon na nagpapakita kung papaano gagamitin ang mungkahing presentasyon.
Awit 30 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at tugon para sa mga donasyon sa Samahan. Ilakip ang maiikling komento na nagpapakita kung papaanong ang isa na may espiritu ng saganang pagbibigay ay pinagpapala.—Kaw. 11:24a.
15 min: “Pagpapatibay ng Pananampalataya sa Maylikha ng Sangkatauhan.” Talakayin sa tagapakinig. Habang ipinahihintulot ng panahon, itanghal ng isang may kakayahang mamamahayag ang isa sa mungkahing pagdalaw muli.
20 min: “Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay Nagpapasulong sa Edukasyonal na mga Gawain.” Tanong-sagot sa pangangasiwa ng konduktor sa pag-aaral. Idiin kung papaanong ang artikulo ay nagpapasigla sa (1) higit na pagdalo sa pag-aaral ng aklat, (2) higit na pagkokomento sa panahon ng pag-aaral, at (3) mas mahusay na pagtataguyod sa mga pagtitipon bago maglingkod.
Awit 65 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
10 min: Lokal na mga pangangailangan. O magbigay ng pahayag sa artikulong “Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?” mula sa Mayo 8, 1989, Gumising!, pahina 12-14. Pasiglahin ang mga kabataan na nagtapos sa mataas na paaralan para taimtim na isaalang-alang ang mga plano sa hinaharap taglay ang tunguhin na unahin ang kapakanan ng Kaharian.
10 min: Tanong-sagot na pagtalakay ng mga punto sa “Tanong.”
15 min: “Ginagawa Mo ba ang Kalooban ng Diyos?” Pahayag ng matanda salig sa Marso 1, 1994, Bantayan, pahina 28-30.
Awit 223 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hun. 27–Hul. 3
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa dulong sanlinggo.
15 min: “Makabuluhang mga Pagtitipon Bago Maglingkod sa Larangan.” Tanong-sagot sa pamamagitan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Sa pagtalakay sa parapo 3, ipakita ang isa o dalawang pambungad mula sa aklat na Nangangatuwiran na maaaring gamitin sa dulong sanlinggong ito. Sa parapo 5 banggitin ang anumang suliranin may kaugnayan sa paggawi samantalang nasa paglilingkod sa larangan na napansin sa lokal na paraan; magbigay ng may kabaitang mungkahi ukol sa ikasusulong.
20 min: Repasuhin ang Alok sa Hulyo. Alok: Alinman sa mga brochure sa kontribusyong ₱6.00. Ipakita ang mga kopya ng brochure na nasa stock ng kongregasyon. Ang mga brochure na ito ay praktikal sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang ilang mga kapanapanabik na bahagi at ilustrasyon na maaaring gamitin upang pasimulan ang pag-uusap. Magkaroon ng dalawang demonstrasyon na nagpapakita kung papaano pasisimulan ang pag-uusap sa isang paksa sa Bibliya. (Gamitin ang mga mungkahi sa aklat na Nangangatuwiran sa “Kinabukasan/Katiwasayan,” pahina 11-12, at “Kaharian,” pahina 11 [p. 12-13 sa Ingles]. Ang demonstrasyon ay dapat magtapos sa pagsasagawa ng kaayusan para makapagsimula ng isang pag-aaral sa Bibliya.
Awit 118 at pansarang panalangin.