Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi nagsasalita ng Ingles, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay maaaring ialok bilang kahalili sa ₱20.00.) Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brochure sa ₱6.00. Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Pagkatapos ng aklat na Buhay Pampamilya, ang lahat ng mga kongregasyong Cebuano, Iloko, at Tagalog ay mag-aaral sa aklat na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat. Ang mga pag-aaral sa aklat na ito ay magpapasimula sa linggo ng Setyembre 5-11, 1994. Ang maagang patalastas na ito ay ginawa upang ang mga pidido sa aklat na Kaligayahan ay maipadala kaagad para makatiyak na ang bawat isa ay may kopya nito sa Setyembre. Ang materyal ay isiserye sa Hiligaynong Gumising! pasimula sa isyu ng Agosto 8, 1994.
◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Muling inimprentang mga tomo ng Watchtower para sa mga taóng 1969 hanggang 1983—Ingles
Pansinin: Ang mga ito ay maaaring pididuhin upang makompleto ang personal na aklatan o aklatan ng kongregasyon. Ang kontribusyon ay ₱120.00 bawat tomo.
◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1 o karakaraka hanggat maaari pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.