Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/95 p. 2
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin ang mga Tract sa Pagpapalaganap ng Mabuting Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng Mabisang Paggamit sa mga Tract
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Huwag Kalilimutang Gamitin ang mga Brochure
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Mga Pagtitipon Bago Maglingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 3/95 p. 2

Tanong

◼ Anong pansin ang dapat ibigay sa kasangkapang ginagamit natin sa gawaing pagpapatotoo?

1 Bagaman taglay sa isipan ang angkop na maka-Kasulatang presentasyon, ang isang mamamahayag ay maaaring hindi handa may kinalaman sa kasangkapang kaniyang ginagamit. Samantalang nasa pintuan, maaaring wala siya ng kasalukuyang alok, o ang mga magasin, mga brosyur, at mga tract na nasa kaniyang bag sa pangangaral ay maaaring lukot o punit-punit. Maaaring wala siyang makitang lapis o house-to-house record dahilan sa hindi organisado ang kaniyang bag.

2 Mahalagang bigyan ng maingat na pansin ang inyong kasangkapan bago makibahagi sa paglilingkod sa larangan. Anong mga bagay ang dapat na laman ng isang bag na nakahandang mabuti? Ang isang Bibliya ay mahalaga. Lakipan ito ng isang suplay ng house-to-house record. Tiyaking mayroon kayong publikasyon na iniaalok sa kasalukuyang buwan. Ang bagong isyu ng mga magasin gayundin ang mga tract at brosyur ay kailangan din. Magdala ng kopya ng aklat na Nangangatuwiran. Ang pagkakaroon ng pinakabagong labas ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay tutulong sa inyo na marepaso ang mungkahing mga presentasyon bago pumunta sa pintuan. Ang pagtataglay ng isang kopya ng isa sa ating mga publikasyon na dinisenyo para sa mga kabataan ay makatutulong sa inyo upang maging handa sa pakikipag-usap sa mga tin-edyer.

3 Ang lahat ng ginagamit ay dapat na nasa mabuting kalagayan at masinop ang pagkakasalansan sa inyong bag. Ang bag mismo ay hindi kailangang bago, subalit dapat na ito’y malinis at nasa mabuting kalagayan. Ang inyong bag sa pangangaral ay bahagi ng inyong kasangkapang ginagamit sa paghahayag ng mabuting balita. Ingatan ito sa maayos na kalagayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share