Huwag Kalilimutang Gamitin ang mga Brochure
Kapag nangangaral sa bahay-bahay o sa paraang impormal, ang pag-uusap ay kadalasang nagtutungo sa isang paksa na sinaklaw ng isa sa ating kaakit-akit na mga brochure. Ito’y lalo nang dapat ingatan sa isipan habang itinatampok natin Ang Bantayan at Gumising! sa Mayo. Sa pamamagitan ng laging pagdadala ng iba’t ibang brochure kasama ng mga magasing inyong itatampok sa ministeryo, masasangkapan kayong mag-alok ng kung ano talaga ang kailangan upang makapagbigay ng mabisang patotoo. Sa Mayo, maging malayang gumamit ng alinman sa mga brochure (maliban sa School brochure) kasama o kahalili ng mga magasing itatampok ninyo.—Ihambing ang Kawikaan 15:23.