Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hulyo
Linggo ng Hulyo 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas at mga piling Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
17 min: “Manatiling Mapagbantay.” Tanong at sagot.
18 min: “Gumamit ng Iba’t ibang Brosyur sa Iyong Ministeryo.” Magbigay ng maiigsing komento tungkol sa kaakit-akit na mga punto sa mga brosyur. Magkaroon ng dalawa o tatlong maiigsing demonstrasyon upang ipakita ang paraan ng pag-aalok.
Awit 213 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 10-16
8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
12 min: “Ginigising ba Tayo sa Espirituwal ng mga Paalaala ni Jehova?” Tanong at sagot.
10 min: “Tanong.” Tatalakayin sa tagapakinig ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ikapit ang mga kalagayan sa lokal na teritoryo.
15 min: Pahayag sa “May Napatibay-loob Ka Na ba Kamakailan?” batay sa artikulo sa Enero 15, 1995 Bantayan, pahina 21-3.
Awit 154 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Magsagawa ng Pagdalaw-Muli Para sa Mabungang Ministeryo.” Pag-uusapan ng kapatid na pinag-atasan ng bahaging ito at ng tatlong iba pang mamamahayag kung bakit mahalagang subaybayan ang lahat ng nagpapakita ng interes at napaglalagyan ng mga publikasyon. Rerepasuhin nila ang iminungkahing mga presentasyon at itatanghal sa isa’t isa kung papaano gagamitin ang mga ito.
15 min: Pagdaraos ng Pantahanang Pag-aaral sa Bibliya. Pahayag ng matanda na may idinaraos na mga progresibong pag-aaral sa Bibliya. Himukin na magkaroon ng higit pang pagsisikap upang makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Repasuhin ang mga mungkahing iniharap sa Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 89-91. Maaaring maglakip ng maiigsing lokal na karanasan.
Awit 164 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 24-30
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan. O magbigay ng pahayag sa “Pagpapakita ng Pag-ibig Kristiyano sa mga May Edad,” batay sa Agosto 1, 1994, Bantayan, pahina 27-30.
20 min: Ano ang Iisipin ng mga Kapitbahay? Pahayag at demonstrasyon batay sa Abril 1, 1974, Watchtower, pahina 201-3. Magpahayag hinggil sa kung bakit tayo’y madalas na ginigipit ng ating mga kapitbahay na taga-sanlibutan. (Saklawin ang pahina 201 at ang unang parapo sa pahina 202.) Pagkatapos ay magkaroon ng demonstrasyon na ipinakikita ang makaranasang mag-asawa na nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya sa isang baguhang interesadong pamilya na tinatakot ng mga kapitbahay na taga-sanlibutan na sumasalansang sa pakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Repasuhin ang mga pangunahing punto sa natitirang bahagi ng artikulo.
Awit 169 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hul. 31–Ago. 6
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Maging Mapagpatibay.” Pagtalakay at pahayag ng isang matanda.
20 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Agosto. Banggitin ang 32-pahinang mga brosyur na maaaring gamitin. Anyayahan ang mga mamamahayag na magkuwento ng magagandang karanasan sa kanilang pag-aalok ng brosyur noong Hulyo. Ipakita kung papaano magsisimula ng isang pag-aaral sa Bibliya na ginagamit ang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Ibangon ang tanong na nasa unang parapo ng Bahagi 1. Kunin ang reaksiyon ng maybahay sa mga ideang ipinahahayag sa parapo 2-4. Ipaliwanag na ipinakikita ng brosyur na talagang nagmamahal ang Diyos at na tayo’y makapagtatamasa ng isang buhay na wala nang paghihirap sa kaniyang dumarating na bagong sanlibutan. Sabihing babalik ka para sa higit pang pag-uusap.
Awit 179 at pansarang panalangin.