Mga Pulong sa Paglilingkod sa Enero
Linggo ng Enero 1-7
7 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
13 min: “Mangaral Taglay ang Unawa.” Talakayin ang pangunahing mga punto, at itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
25 min: “Pagpapanatili ng Timbang na Pangmalas sa Teknolohiya ng Computer.” Tanong-sagot sa insert. Basahin ang susing mga parapo, gaya ng 4-6 at 9-10, habang ipinahihintulot ng panahon.
Awit 28 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipamamahagi ng kalihim ang mga Medical Directive at mga Identity Card sa mga nangangailangan nito gaya ng binanggit sa ikalawang patalastas sa pahina 7.
15 min: “Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan.” Masiglang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod, salig sa mga parapo 1 hanggang 12 ng insert.
20 min: “Maging mga Tagatupad—Hindi mga Tagapakinig Lamang.” Tanong-sagot. Habang ipinahihintulot ng panahon, talakayin ang kahalagahan ng pagsunod, salig sa aklat na Insight, Tomo 2, pahina 521, mga parapo 1 at 2.
Awit 70 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin din ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.”
17 min: “Paggamit ng Ating mga Magasin sa Pinakamabuting Paraan.” Talakayin sa tagapakinig ang mga parapo 13 hanggang 16 ng insert. Itanghal ng isang grupo ng pamilya ang sesyon sa pagsasanay, gaya ng inilarawan sa parapo 13.
18 min: “Bumalik Upang Iligtas ang Ilan.” Repasuhin ang mga mungkahing presentasyon.
Awit 156 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas.
17 min: “Makinabang Mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa 1996—Bahagi 1.” Tanong-sagot na pagsaklaw ng tagapangasiwa sa paaralan. Repasuhin ang mga tagubilin para sa atas ng estudyante sa insert ng Oktubre, 1995 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
18 min: “Magsalita Nang May Katapangan.” Pahayag ng isang matanda.
Awit 92 at pansarang panalangin.
Linggo ng Ene. 29–Peb. 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Lokal na mga pangangailangan. (O “Ingatan ang Inyong Pagkadama ng Pagkaapurahan,” isang pahayag salig sa Oktubre 1, 1995, Bantayan, mga pahina 25-8.)
15 min: Ialok ang Aklat na Apocalipsis sa Pebrero. Repasuhin ang mga parapo 6 hanggang 9 sa pahina 8, na ipinakikita kung bakit ang aklat na ito ay kailangan. Bumaling sa “Ang Balangkas ng Aklat ng Apocalipsis” sa mga pahina 98-9, at ipakita kung papaanong ito ay nagbibigay ng pangkalahatang pangmalas sa aklat ng Apocalipsis. Ipakita kung papaanong ang mga ilustrasyon sa loob ng pabalat sa unahan at likuran ay magagamit upang pasimulan ang pag-uusap.
Awit 143 at pansarang panalangin.