Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/96 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 4/96 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Hulyo at Agosto: Alinmang brosyur sa ₱6.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Maaari na ngayong ipadala ang mga pidido para sa mga tomo ng Watchtower at Awake! Kapag natanggap ang mga pidido ito ay ilalagay sa invoice na mamarkahang “back-ordered.” Hindi ito sisingilin sa kuwenta sa panahong iyon. Kapag ang mga tomo ay natanggap na mula sa Brooklyn ang mga ito ay sisingilin sa inyong kuwenta at ipadadala sa pamamagitan ng koreo sa kongregasyon.

◼ Yaong mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Mayo ay dapat na maagang magsumite ng kanilang mga aplikasyon sa komite ng paglilingkod. Ito’y makatutulong sa matatanda upang malaman kung gaano karami ang magiging auxiliary pioneer sa buwang iyon at sa gayo’y maisasaayos ang sapat na teritoryo at mga suplay ng literatura.

◼ Isang pagbabago ang isinasagawa sa paraan ng pagpapalit sa mga Pioneer Service Identification card. Mula ngayon at patuloy, ang pagpapalit ng mga card para sa mga payunir na lumilipat, nagpapalit ng kanilang pangalan, nawalan ng kanilang card, o humihiling ng pagbabago ng atas ay gagawin ng Samahan. Anumang blangkong mga card na maaaring nasa salansan ng kalihim ay dapat na itapon. Ang mga pagbabago at muling pag-aatas ay gagawin sa normal na paraan, na itinatala ng kalihim ang impormasyon sa likuran ng Congregation Report (S-1) para sa buwan. Pagkatapos noon, ang Samahan ay magpapadala sa kongregasyon ng mga bagong card para sa mga payunir. Karaniwan nang ito ay darating kasama ng buwanang statement. Anumang mga pagbabago ay dapat na ipadala karaka-raka sa Samahan upang ang aming salansan ay maingatang tumpak at nasa panahon. Gayundin, kapag ang isang payunir ay huminto sa pagpapayunir o naalis, isang kopya ng pormang S-206 ang pupunan at ipadadala sa Samahan nang walang pagkabalam.

◼ Lahat ng mga katanungan hinggil sa mga petsa at mga lugar ng pandistritong kombensiyon sa ibang bansa ay dapat na ipadala sa kani-kanilang mga tanggapang pansangay. Ang mga direksiyon ng mga tanggapang pansangay sa palibot ng daigdig ay masusumpungan sa huling mga pahina ng Yearbook.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share