Tanong
◼ Ano ang wastong gamit ng mga terminong “brother” at “sister”?
Kapag ginagamit sa literal na diwa, ang mga terminong “brother” at “sister” ay tumutukoy sa mga indibiduwal na magkapareho ang mga magulang. Ito’y likas na relasyon na kadalasang lumilikha ng isang malapit na ugnayan.
Tayo’y tinuruan ni Jesus na tawagin si Jehova sa panalangin bilang “Ama namin.” Ito’y nagpapahiwatig na bilang mga Kristiyano, tayong lahat ay bahagi ng isang malapit na ugnayang pampamilya. Kaya sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “lahat kayo ay magkakapatid.”—Mat. 6:9; 23:8.
Dahilan sa ating malapit na ugnayang espirituwal sa loob ng sambahayan ng Diyos, ating tinatawag ang isa’t isa bilang “Brother” at “Sister,” lalo na sa mga pulong ng kongregasyon. Sa panahon ng mga pulong na ito, tinatawag ng nangangasiwa ang bautisadong mga indibiduwal sa pamamagitan ng paggamit ng pananalitang “brother” o “sister” na sinusundan ng apelyido ng tao.
Ano kung ang isang di bautisadong tao ay nagnanais na makibahagi sa mga pulong? Kung ang isang tao ay nakikisama na sa ilang panahon at nalalapit na sa pag-aalay, kinikilala ang sarili bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, walang hadlang upang tawagin siyang “Brother” o “Sister.” Ito’y lalo nang totoo kung ang indibiduwal ay naging isang di bautisadong mamamahayag.
Sa kabilang panig, ang mga taong interesado na kamakailan lamang dumadalo sa mga pulong ay hindi pa kumukuha ng mga hakbangin na nagpapakilala sa kanila bilang bahagi ng sambahayan ng Diyos. Ang mga indibiduwal na ito ay hindi tatawaging “Brother” o “Sister,” yamang ang espirituwal na kaugnayan sa pamilya ng Diyos ay hindi pa umiiral sa kanilang kaso. Kaya sa panahon ng mga pulong, nais natin silang tawagin nang mas pormal, na ginagamit ang isang angkop na titulo gaya ng “Mr.” kasama ng kanilang apelyido.
Ang paggamit ng pananalitang “brother” at “sister” sa ating mga pulong ay napapakita sa bigkis na higit na malapit kaysa ipinakikita ng paggamit ng unang mga pangalan. Ito’y nagpapagunita sa atin sa pinagpalang kaugnayang ating tinatamasa bilang isang espirituwal na pamilya sa ilalim ng isang Ama, ang Diyos na Jehova.—Efe. 2:19; 1 Ped. 3:8.