Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hulyo
Linggo ng Hulyo 1-7
12 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Pagtupad sa Ating Panata sa Araw-Araw.” Tanong-sagot.
18 min: “Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba.” (Parapo 1-3) Gamitin ang unang parapo upang idiin ang tema ng artikulo. Pagkatapos ay repasuhin ang parapo 2-3 lamang, at itanghal ang dalawang presentasyon na ginagamit ang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
Awit 112 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 8-14
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba.” (Parapo 4-5) Talakayin ang mga tampok na bahagi ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Pagkatapos ay itanghal ang mga presentasyon sa parapo 4-5.
20 min: “Higit na mga Kapatid na Lalaki ang Kailangan sa Paglilingkurang Payunir.” Tanong-sagot.
Awit 16 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Nasubukan Mo Na ba ang Pagpapatotoo sa Gabi?” Tanong-sagot.
15 min: “Tularan si Jehova sa Taimtim na Pagmamalasakit sa Iba.” (Parapo 6-8) Gamitin ang huling parapo ng artikulo upang pasiglahin ang lahat na gumawa karaka-raka ng mga pagdalaw-muli. Repasuhin at itanghal ang dalawang presentasyon na ginagamit ang brosyur na Layunin ng Buhay sa parapo 6-7.
Awit 64 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hulyo 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Gawing Hayag ang Inyong Pagsulong.” Tanong-sagot.
20 min: “Kung Paano Gagawa ng mga Alagad Taglay ang Aklat na Kaalaman.” Isang pahayag na sumasaklaw sa parapo 12-16 ng insert ng Hunyo 1996. Ilakip ang dalawang pagtatanghal ng isang idinaraos na pag-aaral sa Bibliya. Ang una ay nagpapakita kung paano sasanayin ang estudyante na maghanda ng leksiyon sa pamamagitan ng pagsasalungguhit sa mga susing salita sa nakaimprentang mga tanong. Ang ikalawa ay nagtatanghal kung paano pasisiglahin ang estudyante sa Bibliya na dumalo sa Pulong Pangmadla at Pag-aaral sa Bantayan.
Awit 116 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hul. 29–Agos. 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Ano ang Kinakailangan Upang Pasimulan ang Isang Pag-aaral sa Bibliya? Pag-uusap sa pagitan ng isang matanda at ng dalawa o tatlo na naging matagumpay sa gawaing pag-aaral sa Bibliya kung paano pasisimulan ang mga pag-aaral: (1) Manalangin para sa tulong ni Jehova. (2) Palagiang makibahagi sa gawaing pagbabahay-bahay upang hanapin ang mga interesado. (3) Isulat ang lahat ng interesado, at gumawa kaagad ng mga pagdalaw-muli. (4) Laging mag-alok ng pag-aaral kapag nagpakita ng interes. (Tingnan ang sub-titulong “Pagpapasimula ng Pag-aaral sa Bibliya,” sa pahina 20 ng Pebrero 15, 1996, Bantayan.) (5) Pasulungin ang pagtitiwala sa inyong kakayahang magturo sa paggamit ng apat na mungkahing nakabalangkas sa pahina 13-17 ng Pebrero 1, 1985, Bantayan (Agosto 1, 1984 sa Ingles).
15 min: Lokal na mga Pangangailangan. O ang isang matanda ay magbibigay ng pahayag sa “Kaaliwan at Pampatibay-loob—Mga Hiyas na Maraming Pitak,” mula sa Enero 15, 1996, Bantayan, pahina 21-3.
Awit 165 at pansarang panalangin.