Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/96 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 7-13
  • Linggo ng Oktubre 14-20
  • Linggo ng Oktubre 21-27
  • Linggo ng Okt. 28–Nob. 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 10/96 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre

Linggo ng Oktubre 7-13

Awit 47

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Tanong.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod sa tagapakinig.

20 min: “Ihanda ang Inyong Sariling Presentasyon ng Magasin.” (Parapo 1-7) Magtanong sa mga parapo 1-4, at pagkatapos ay magkaroon ng dalawa o tatlong maikling pagtatanghal, na ginagamit ang mga mungkahi sa mga parapo 5-7. Ilakip ang mga komento sa Marso 1, 1987 ng Bantayan, pahina 17, mga parapo 8-9.

Awit 222 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 14-20

Awit 39

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: “Paghahayag ng Mabuting Balita ng Lalong Magaling na Bagay.” Tanong-sagot. Banggitin ang ilang mahahalagang artikulo na lumabas sa Ang Bantayan.—Tingnan Ang Bantayan ng Marso 1, 1987, pahina 13.

20 min: “Ihanda ang Inyong Sariling Presentasyon ng Magasin.” (Parapo 8-11) Tanong-sagot. Ginagamit ang mga isyu ng Oktubre ng mga magasin, ipakita kung paano maghahanda ng isang presentasyon: (1) Pumili ng artikulo na makaaantig ng interes sa inyong teritoryo, (2) humanap ng isang kapanapanabik na punto na itatampok, (3) umisip ng isang tanong na aakay ng pansin sa puntong iyon, (4) pumili ng isang kasulatan na babasahin kapag nabigyan ng pagkakataon, at (5) ihanda ang inyong pambungad na pananalita at kung ano ang inyong sasabihin hinggil sa magasin upang mapasigla ang maybahay na tanggapin iyon. Itanghal ang dalawa o tatlong presentasyon, lakip na ang isang simpleng presentasyon na ibibigay ng isang kabataan.

Awit 82 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 21-27

Awit 169

15 min: Lokal na mga patalastas. Ipaliwanag kung paano pasisimulan ang isang ruta ng magasin: (1) Itala ang bawat naisakamay at ang artikulo na itinampok, (2) isaayos na bumalik taglay ang kasunod na mga isyu, at (3) itakda ang isang espesipikong panahon sa inyong lingguhang iskedyul ng paglilingkod upang gawin ang mga pagdalaw na ito. Ialok ang mga suskrisyon sa mga patuloy na nagpapakita ng interes.

15 min: “Gawin ang Inyong Teritoryo Nang Lubusan.” Tanong-sagot. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang nakapagpapatibay na mga karanasan kapag gumagawa sa mga tindahan.

15 min: Lokal na mga pangangailangan. O pahayag ng isang matanda sa artikulong “Panatilihing Matatag ang Iyong Pagtitiwala Hanggang sa Wakas,” mula sa Mayo 1, 1996 ng Bantayan, mga pahina 21-4.

Awit 12 at pansarang panalangin.

Linggo ng Okt. 28–Nob. 3

Awit 27

10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa auxiliary na pagpapayunir sa Nobyembre at Disyembre. Himukin yaong makagagawa nito na mag-aplay na ngayon.

20 min: “Kung Paano Bibilhin ang Naaangkop na Panahon.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento mula sa Disyembre 1, 1989 ng Bantayan, mga pahina 16-17, parapo 7-11.

15 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Nobyembre. Ang aklat na Kaalaman ay iaalok, at isang pantanging pagsisikap ang gagawin upang subaybayan ang lahat ng naisakamay, taglay ang tunguhing magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Dalawa o tatlong may kakayahang mamamahayag ang tatalakay sa kahalagahan ng aklat at kung paano ito maaaring gamitin. Talakayin at itanghal kung paano pasisimulan ang isang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng tuwirang paglapit: Repasuhin ang larawan at kapsiyon sa mga pahina 4-5; ipaliwanag ang paraan ng ating pag-aaral; talakayin sa maikli ang unang limang parapo sa kabanata 1; gumawa ng kaayusan sa pagbabalik at ipagpatuloy ang pag-uusap, na sinasagot ang katanungang, Ang buhay na walang-hanggan ba ay isang pangarap lamang?

Awit 162 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share