Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre
Linggo ng Oktubre 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Mag-iibigan Pa Kaya sa Isa’t Isa ang Lahat ng Tao?” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga tampok na bahagi ng Kingdom News Blg. 35. Ipakita ang mga dahilan kung bakit ang mga tao sa teritoryo ay makikinabang sa materyal na ito. Idiin ang pangangailangang gumawa ngayon ng mga plano upang lubusang makabahagi sa pamamahagi nito at maging masigasig sa pagsubaybay sa lahat ng nasumpungang interes.
20 min: “Malawakang Ipamahagi ang Kingdom News Blg. 35.” Pambungad na pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Saklawin ang parapo 5-8 nang tanong-sagot. Repasuhin ang lokal na mga kaayusan para sa pinalawak na gawain. Pag-usapan ang mga paraan upang matiyak na makukubrehan ang lahat ng teritoryo. Ang Kingdom News Blg. 35 ay maaaring gamitin ng mga mamamahayag kapag nagpapatotoo sa mga tao sa mga hintuan ng bus, sa maliliit na negosyo, sa mga paradahan, at sa iba pang dako. Magbigay ng mga mungkahi kung paano tutulungan ang mga baguhan na nagnanais magpasimula sa gawaing pangangaral. Ilakip ang impormasyon mula sa insert ng Abril 1995 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 11. Sa ilang teritoryo ay makabubuting gumawang mag-isa o huwag magdala ng bag kapag namamahagi ng Kingdom News. Itanghal ang dalawa o tatlong maikling presentasyon.
Awit 126 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 13-19
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin ang mga puntong mapag-uusapan sa kasalukuyang mga labas ng Ang Bantayan at Gumising! Ipaalaala sa lahat na sa dulong sanlinggong gawain, ihaharap ang mga magasin kasama ng Kingdom News Blg. 35. Dapat nating subaybayan ang lahat ng interes.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
18 min: “Paano Kayo Tumutugon sa Kawalang-Interes?” Pag-uusap ng dalawang matanda. Ilakip ang mga komento sa materyal na nasa ilalim ng sub-titulong “Kung Papaano Mo Maigugupo ang Kawalang-Interes” sa Enero 15, 1975, Bantayan, pahina 47-8.
Awit 130 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 20-26
15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang ilang karanasan mula sa 1996 Yearbook, pahina 6-8, sa “Global Distribution of Kingdom News.” Itampok ang pagsisikap ng bawat mamamahayag sa nakaraang pamamahagi ng Kingdom News. Pasiglahin ang lahat na lubusang makisama sa pamamahagi ng Kingdom News Blg. 35.
15 min: Tampok na bahagi ng artikulong, “Kung Paano Nakarating sa Atin ang Bibliya, Bahagi 1” mula sa Ang Bantayan ng Agosto 15, 1997, pahina 8-11. Pag-uusap ng dalawang matanda sa mga dahilan kung bakit nararapat nating isaalang-alang ang Bibliya. Ang artikulong ito ay inihanda upang tulungan ang mga tao na maaaring mataas ang pinag-aralan subalit kakaunti lamang ang nalalaman sa Bibliya. Sa halip na subuking kumbinsihin sila na ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos, hinahayaan ng artikulo na ang mga katunayan ang magsalita sa ganang sarili. Nanaisin nating gamitin ang mga punto sa artikulong ito upang pasiglahin ang mga taong tinuturuan natin na basahin ang Bibliya sa araw-araw.
15 min: “Ikaw ba ay Isang Buong-Panahong Saksi?” Pahayag ng isang matanda.
Awit 133 at pansarang panalangin.
Linggo ng Okt. 27–Nob. 2
12 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang progreso sa pamamahagi ng Kingdom News Blg. 35. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng nakapagpapatibay na mga karanasan. Iulat kung gaano kalaking teritoryo ang nagawa na at kung ano pa ang kakailanganin upang makumpleto ang pagkubre hanggang sa Nobyembre 16. Minsang ang teritoryo ay nagawa nang lahat, ating iaalok ang aklat na Kaalaman sa natitirang bahagi ng buwan. Idiin ang tunguhing magpasimula ng mga pag-aaral sa mga pagdalaw-muli kapag nagkaroon ng mabuting pagtugon sa Kingdom News.
15 min: “Kung Paano Makasusumpong ng Pag-asa sa Kabila ng Pagkasira ng Loob.” Pahayag ng isang matanda salig sa Mayo 15, 1997, Bantayan, pahina 22-5.
18 min: Pasikatin ang Inyong Liwanag. Pahayag at pagtalakay sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 84-8. Patiunang isaayos na gumawa ng espesipikong mga komento ang mga mamamahayag sa sumusunod na tanong: (1) Bakit ang mga Saksi ni Jehova ay nangangaral sa bahay-bahay? (2) Gaano na kalawak ginamit ang paraang ito noong unang siglo? (3) Bakit may apurahang pangangailangan ngayon na patuloy na mangaral sa bahay-bahay? (4) Anong mga kalagayan ang nagpapahirap sa atin sa pakikibahagi nang palagian? (5) Paano tayo makahihingi ng tulong upang makapagpatuloy? (6) Paano tayo pinagpapala sa pagpapasikat ng ating liwanag? (7) Ano ang ating magagawa upang higit na maging matagumpay sa paghahanap ng mga tao? Ipakita ito sa pamamagitan ng paglalahad ng tatlo o apat na mamamahayag sa tinamong nakapagpapatibay na mga karanasan habang gumagawa sa mga tindahan o nagpapatotoo sa lansangan.
Awit 136 at pansarang panalangin.