Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/97 p. 1
  • Ang Malaking Pintuan Tungo sa Gawain ay Bukas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Malaking Pintuan Tungo sa Gawain ay Bukas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Maaari ba Kayong Tumulong Kung Saan May Pangangailangan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Mga Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Isang Liham Mula sa Lupong Tagapamahala
    2003 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
  • Bago Mangaral, Baka Kailangan Mo Munang Maghanap
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 11/97 p. 1

Ang Malaking Pintuan Tungo sa Gawain ay Bukas

1 Bilang isang masigasig na mangangaral ng mabuting balita, may pananabik na hinanap ni Pablo ang mga teritoryong may malaking pangangailangan, isa na rito ang lunsod ng Efeso. Gayon na lamang kainam ang natamo niyang tagumpay sa pangangaral doon anupat siya’y sumulat sa mga kapuwa Kristiyano: “Isang malaking pintuan na umaakay sa gawain ang binuksan sa akin.” (1 Cor. 16:9) Patuloy na naglingkod si Pablo sa teritoryong iyon at tumulong sa maraming taga-Efeso na maging mga mananampalataya.—Gawa 19:1-20, 26.

2 Sa ngayon, isang malaking pintuan na umaakay sa gawain ang nabuksan sa atin. Mayroon tayong paanyaya na tumulong sa mga kongregasyon na hindi nagagawa nang lubusan ang lahat ng kanilang teritoryo bawat taon. Kung gayon ay matutugunan ng ating pagsisikap ang pangangailangang umiiral sa ilang lugar.—Ihambing ang 2 Corinto 8:13-15.

3 Maaari ba Kayong Maglingkod Kung Saan Higit na Malaki ang Pangangailangan? Naisaalang-alang na ba ninyo nang may pananalangin ang posibilidad na maglingkod sa ibang dako? Maaaring hindi na kayo kailangan pang lumipat kung may kongregasyong nangangailangan ng tulong sa inyong sariling bayan mismo. Bakit hindi makipag-usap sa tagapangasiwa ng sirkito hinggil sa bagay na ito at alamin kung ano ang kaniyang imumungkahi? O maaaring sa loob mismo ng teritoryo ng inyong kongregasyon, marami ang mga bingi o nagsasalita ng ibang wika na wala pang nag-aasikaso. Upang matugunan ang pangangailangang ito, maaari bang magsumikap kayo upang matuto ng kanilang wika? Karagdagan pa, marahil ay mayroon nang grupo o malapit na kongregasyon na iba ang wika na ‘nagsusumamo sa Panginoon ng pag-aani para sa higit pang manggagawa ng Kaharian.’ (Mat. 9:37, 38) Kung gayon, matutugunan ba ninyo ito?

4 Sa nakaraang mga dekada lamang, libu-libong pamilyang Kristiyano ang lumipat sa ibang lupain upang magkaroon ng mas malaking bahagi sa gawaing pag-aani. Ang isang mag-asawa na gumawa nito ay nagsabi: “Nais naming paglingkuran si Jehova kung saan kami higit na makatutulong.” Kung taglay ninyo ang ganitong pagnanais at nasumpungan ninyong posible na lumipat sa ibang dako, ipakipag-usap muna ang inyong mga plano sa matatanda ng inyong kongregasyon.

5 Kung nais ninyong magtanong sa Samahan kung saan may pangangailangan, sumulat kayo sa Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon na binabalangkas ang nais ninyong mangyari. Ilalakip nila rito ang kanilang komento at ipadadala ito sa Samahan. Sa anumang kalagayan, habang ang malaking pintuan na umaakay sa gawain ay nananatiling bukas, tayo nawang lahat ay patuloy na maging abala sa paglilingkod kay Jehova.—1 Cor. 15:58.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share