Mga Pulong sa Paglilingkod sa Enero
Linggo ng Enero 5-11
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
17 min: “Magkaroon ng Kaluguran sa Pagbibigay ng Lubusang Patotoo.” Pagtalakay sa artikulo kasama ng tagapakinig. Itampok ang mahahalagang bahagi ng isang mabisang presentasyon: (1) Gumawa ng palakaibigang pagbati, (2) magkomento o magbangon ng isang katanungan hinggil sa isang paksang pinag-uusapan sa kasalukuyan, (3) bumaling sa isang angkop na teksto sa Kasulatan, at (4) akayin ang interes sa iniaalok na publikasyon. Ipatanghal sa may-kakayahang mamamahayag ang isang iminungkahing panimulang presentasyon at pagdalaw-muli.
20 min: Maghanda Ngayon Upang Itaguyod ang Batas ng Diyos Hinggil sa Dugo. Tatalakayin ng isang kuwalipikadong matanda ang kahalagahan ng paglalagay ng impormasyon sa Advance Medical Directive/Release card. Ang kinasihang patnubay sa Awit 19:7 ay nagpapakita na ang Gawa 15:28, 29 ay isang kapahayagan ng sakdal na batas ng Diyos hinggil sa dugo. Ang mga tapat na mananamba ay nagsisikap na itaguyod ang batas na iyon. Ipinakikita ng dokumentong ito ang inyong determinasyon na gawin iyon at ito’y magsasalita para sa inyo kapag hindi na kayo makapagsalita sa ganang sarili. (Ihambing ang Kawikaan 22:3.) Ang bagong card ay naglalaan ng kasalukuyang kapahayagan ng inyong pagtangging magpasalin ng dugo. Pagkatapos ng pulong na ito, ang mga bautisadong mamamahayag na gustong magkaroon ng isang bagong card ay bibigyan ng isa, at yaong may mga di-bautisadong menor-de-edad na mga anak ay tatanggap ng isang Identity Card para sa bawat bata. Ang mga card na ito ay hindi susulatan sa gabing ito. Ang mga ito ay maingat na susulatan sa bahay subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma, pagsaksi, at pagpepetsa ng lahat ng card ay gagawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng superbisyon ng konduktor ng pag-aaral sa aklat. Sa pamamagitan nito’y matitiyak na ang lahat ng inatasan sa kaniyang grupo na gustong magsagawa ng medical directive na ito ay mabibigyan ng kinakailangang tulong. Dapat makita ng mga pipirma bilang mga saksi na aktuwal na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento. Ang sinumang wala sa panahong iyon at nagnanais na sumulat at pumirma sa isang card ay tutulungan ng mga konduktor/matatanda sa susunod na Pulong sa Paglilingkod hanggang sa makumpleto nang wasto ng lahat ng bautisadong mamamahayag ang kanilang card. (Repasuhin ang sulat ng Nobyembre 1, 1991.) Sa pamamagitan ng pag-aangkop ng mga salita mula sa card na ito sa kanilang sariling kalagayan at paniniwala, maaaring gawin ng mga di-bautisadong mamamahayag ang kanilang sariling directive para gamitin nila at ng kanilang mga anak.
Awit 142 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin ang “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.”
15 min: “Gamiting Mabuti ang mga Handbill.” Pagtalakay kasama ng tagapakinig. Ilakip ang karanasan sa Disyembre 1, 1996 Bantayan, pahina 13 parapo 15.
20 min: “Nagbibigay si Jehova ng Lakas na Higit sa Karaniwan.” Tanong-sagot. (Tingnan ang w90-TG 7/15 19, parapo 15-16.) Isaayos na ang ilan ay maglahad ng nakapagpapatibay na mga karanasan na nagpapakita kung paano sila pinalakas ni Jehova.
Awit 81 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: Pampamilyang Pag-aaral na Nagdudulot ng Kagalakan. Pinag-uusapan ng mag-asawa ang espirituwal na mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Nababahala hinggil sa makasanlibutang impluwensiya na nakaaapekto sa kanilang mga anak sa negatibong paraan, kanilang nadarama ang pangangailangang palakasin ang espirituwalidad ng kanilang mga anak subalit inaamin na ang kanilang pampamilyang pag-aaral ay manaka-naka at kadalasa’y hindi mabisa. Magkasama, kanilang nirepaso ang mga mungkahing ibinigay sa Agosto 1, 1997, Bantayan, pahina 26-9 kung paano magdaraos ng isang makabuluhang pampamilyang pag-aaral. Sila’y kapuwa determinadong patuloy na pangalagaan ang espirituwal na kapakanan ng kanilang mga anak.
Awit 146 at pansarang panalangin.
Linggo ng Ene. 26–Peb. 1
12 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang alok na literatura sa Pebrero: Banggitin ang isa o dalawang punto sa aklat na Life—How Did It Get Here? na makatutulong sa pag-aalok nito.
15 min: “Magpakita ng Paggalang sa Dako ng Pagsamba kay Jehova.” Tanong-sagot. Pangangasiwaan ng isang matanda, na dapat na may kabaitang gumawa ng lokal na aplikasyon.
18 min: Pag-uulat ng Ating Bahagi sa Pambuong Daigdig na Gawaing Pagpapatotoo. (Salig sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 100-2, 106-10.) Pahayag at pagtalakay ng kalihim. Pagkatapos ipakita ang maka-Kasulatang parisan para sa palagiang pag-uulat ng ating gawain, aanyayahan niya ang dalawang ministeryal na lingkod upang repasuhin ang sub-titulong “Kung Bakit Nag-uulat Tayo ng Paglilingkod sa Larangan.” Pagkatapos ay idiriin ng kalihim ang kahalagahan ng karaka-rakang pagbibigay ng tumpak na mga ulat. Ipakikita niya ang mga dahilan kung bakit ang pagtatakda ng mga personal na tunguhin ay kapaki-pakinabang, na tinatapos ito sa pamamagitan ng nakapagpapatibay na mga komento hinggil sa mga pagpapalang dumarating sa mga lubusang nakikibahagi sa gawaing pagpapatotoo.
Awit 189 at pansarang panalangin.