Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Gayunpaman, sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa kontribusyon na ₱20.00. Marso: Ang aklat na Kaalaman ay iaalok sa ₱20.00. Para sa mga maybahay na mayroon na ng aklat na ito, maaaring ialok ang aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Dapat na repasuhin ng Kalihim at ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang gawain sa paglilingkod ng lahat ng regular pioneer sa kongregasyon. Sa katapusan ng Pebrero dapat na sila’y may mga 500 oras na o higit pa sa taóng ito ng paglilingkod. Kung nagkakaroon ng mga suliranin ang sinuman sa pag-abot sa oras dapat na isaayos ng matatanda na mabigyan sila ng kinakailangang tulong. Bilang mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan na may petsang Disyembre 15, 1996.
◼ Sa Linggo Pebrero 15, 1998 isaayos ang isang pulong kasama ng lahat ng mga nagpaplanong maging auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo sa taóng ito. Lahat ay pinasisiglang dumalo. Pangangasiwaan ng Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang pulong na ito at dapat na tiyaking may magagamit na sapat na aplikasyon para maging Auxiliary Pioneer sa panahong iyon. Ang lahat ng nagpaplanong magbakasyon sa mga panahong ito ay dapat na gumawa ng kanilang plano ngayon at maagang isumite ang kanilang mga aplikasyon.
◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
32-pahinang brosyur na pinamagatang: Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao—Bicol, Cebuano, Tsino, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog.
◼ Makukuhang mga Bagong Compact Disc:
Kingdom Melodies on Compact Disc, mga Tomo 4, 5, at 6
◼ Makukuha na Namang Compact Disc:
Singing Kingdom Songs—Ingles
◼ Nais naming ipaalaala sa mga kongregasyon na ngayon na ang panahon upang ipadala ang pidido para sa pantanging mga magasing gagamitin sa buwan ng Abril, 1998 kung hindi pa nila nagagawa ito. Ano ba ang mga pangangailangan ng inyong mga auxiliary pioneer sa panahong iyon? Dapat na may sapat na mga magasin upang lubusan nilang magamit ang kanilang panahon sa pagpapayunir.
◼ Pasimula sa linggo ng Mayo 4-12, 1998, ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay gagamitin sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat. Ito ay isiserye sa Bantayan sa Bicol, Hiligaynon, Pangasinan, at Samar-Leyte pasimula sa labas ng Abril 1, 1998. Ang mga pidido ay maaari nang ipadala para sa aklat na Cebuano, Iloko, at Tagalog.