Teokratikong mga Balita
Liberia: Ang Tanggapang pansangay sa Monrovia ay muling binuksan noong Setyembre 1, matapos na isara nang 15 buwan dahilan sa gera sibil. Sila’y nag-ulat ng isang bagong peak sa lahat ng panahon na 1,977 mamamahayag noong Setyembre.
Mozambique: Isang bagong peak na 28,005 mamamahayag ang naabot noong Setyembre. Ang dating peak ay 25,790 noong Mayo 1975, kaya ito’y isang mahalagang pangyayari sa teokratikong kasaysayan ng Mozambique.
Nepal: Isang bagong peak na 306 na mamamahayag ang naabot noong Setyembre. Halos 500 pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos sa kasalukuyan.
St. Helena: Bawat sambahayan sa islang ito ay nabigyan ng isang kopya ng Kingdom News Blg. 35.
Ang ilang bansa ay nagpasimula sa taon ng paglilingkod taglay ang mga bagong peak ng mamamahayag na umaabot sa 5-porsiyentong pagsulong kaysa aberids noong nakaraang taon: Hong Kong, 4,230; Madagascar, 8,749 (lakip ang peak na 912 regular pioneer); Taiwan, 3,497.