Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/98 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Subtitulo
  • Linggo ng Pebrero 2-8
  • Linggo ng Pebrero 9-15
  • Linggo ng Pebrero 16-22
  • Linggo ng Peb. 23-Mar. 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 2/98 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Pebrero

Linggo ng Pebrero 2-8

Awit 166

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: “Ang mga Saksi ni Jehova​—Tunay na mga Ebanghelisador.” Tanong-sagot. Repasuhin ang kahon sa pahina 19 sa Setyembre 1, 1992, Bantayan.

20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Positibong Saloobin.” Pagkatapos ng isang maikling komento sa parapo 1, saklawin ang mga parapo 2-5 ng artikulo. Itanghal ang mga presentasyon kapuwa sa unang pagdalaw at sa pagdalaw-muli.

Awit 208 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 9-15

Awit 96

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

20 min: Lokal na mga pangangailangan.

15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Positibong Saloobin.” Repasuhin ang mga parapo 6-8 lamang. Itanghal ang mga presentasyon sa mga tindahan.

Awit 220 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 16-22

Awit 75

5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

10 min: Kung Bakit Kailangang Dumalo Ka sa mga Pulong ng Kongregasyon. Tatalakayin ng matanda ang mga pangunahing punto sa Agosto 15, 1993, Bantayan, mga pahina 8-11, na idiniriin ang kahalagahan ng regular na pagdalo sa lahat ng pulong.

15 min: Magbibigay ang Tagapangasiwa sa Paglilingkod ng nakapagpapasiglang pahayag may kaugnayan sa higit na paglilingkod sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo. Idiin ang pagiging auxiliary pioneer at ang pagtangkilik sa Memoryal at Pantanging Pahayag Pangmadla.

15 min: “Si Jehova ang Aking Katulong.” Masigla at nakapagpapatibay na pahayag ng isang matanda.

Awit 15 at pansarang panalangin.

Linggo ng Peb. 23-Mar. 1

Awit 4

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang alok na literatura sa Marso. Banggitin ang isa o dalawang ideya sa paghaharap ng aklat na Kaalaman, na ginagamit ang mga punto sa Hunyo 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Idiin ang tunguhing magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

15 min: “Kapag Mabisa, Gamitin Mo!” Tanong-sagot. Pagkomentuhin sa maikli ang isa o dalawang makaranasang mamamahayag mula sa tagapakinig hinggil sa mga presentasyong patuloy nilang ginagamit dahilan sa pagiging simple ng presentasyon at sa ibinubunga nito. Pagkatapos ay ipalahad sa ilan ang ibinigay kamakailan na mga mungkahing pamamaraan mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian na napatunayang mabisa.

20 min: Insayuhin ang Inyong mga Presentasyon. Maikling pahayag salig sa Giya sa Paaralan, mga pahina 98-9, mga parapo 8-9. Idiin ang pangangailangang suriing mabuti ang ating mga presentasyon at hanapin ang mga paraan upang higit na maging mabisa. Ipatanghal sa dalawang kapatid na babae kung paano nila sinusuring mabuti ang kanilang ginawa sa isang pintuan, na pinag-usapan kung paano pa nila mapabubuti iyon. Nagdaos din sila ng isang maikling sesyon ng pagsasanay upang subukan ang isang presentasyong binabalak nilang gamitin sa susunod na pagkakataon, na nagbibigay sa isa’t isa ng nakatutulong na mga mungkahi. Nagtapos ang tsirman sa pagpapasigla sa lahat na magsuring mabuti at magsanay ng kanilang mga presentasyon.

Awit 103 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share