Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/98 p. 1
  • Magagawa Natin ang Mas Dakilang mga Gawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magagawa Natin ang Mas Dakilang mga Gawa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • “Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • Paggawa, Pagpapagal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad sa mga Tao ng Lahat ng mga Bansa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Abala ba sa mga Gawang Patay o sa Paglilingkod kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 9/98 p. 1

Magagawa Natin ang Mas Dakilang mga Gawa

1 Nakilala ang ministeryo ni Jesu-Kristo dahilan sa namumukod-tanging mga gawa. Makahimala niyang pinakain ang libu-libo, pinagaling ang marami, at binuhay-muli ang ilan mula sa mga patay. (Mat. 8:1-17; 14:14-21; Juan 11:38-44) Nakuha ang pansin ng buong bansa dahilan sa kaniyang gawain. Gayunman, sa huling gabi bago ang kaniyang kamatayan, sinabi niya sa kaniyang tapat na mga tagasunod: “Siya na nagsasagawa ng pananampalataya sa akin, ang isa ring iyon ay gagawa ng mga gawa na aking ginagawa; at siya ay gagawa ng mga gawa na mas dakila kaysa sa mga ito.” (Juan 14:12) Paano natin magagawa ang “mas dakila[ng]” mga gawa?

2 Sa Pamamagitan ng Pagsaklaw sa Mas Marami Pang Teritoryo: Ang saklaw ng gawain ni Jesus ay limitado sa Palestina, samantalang pinagsabihan niya ang kaniyang mga unang alagad na magpatotoo “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa,” na mas malayo pa sa pinangaralan mismo ni Jesus. (Gawa 1:8) Ang gawaing pangangaral na kaniyang pinasimulan ay pambuong globo na ngayon, na sumasaklaw sa 232 lupain. (Mat. 24:14) Kayo ba ay lubusang nakikibahagi sa paggawa sa teritoryong iniatas sa inyong kongregasyon?

3 Sa Pamamagitan ng Pag-abot sa Mas Maraming Tao: Halos iilan lamang mga alagad ang iniwan ni Jesus upang magpatuloy sa gawaing pangangaral. Gayunpaman, dahilan sa kanilang masigasig na pagpapatotoo sa araw ng Pentecostes 33 C.E., mga tatlong libong kaluluwa ang yumakap sa katotohanan at nabautismuhan nang araw na iyon. (Gawa 2:1-11, 37-41) Ang pagtitipon ng “mga wastong nakaayon para sa buhay na walang hanggan” ay nagpatuloy hanggang sa ating panahon, anupat mahigit sa 1,000 ang aberids ng ating binabautismuhan sa isang araw. (Gawa 13:48) Ginagawa ba ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang abutin ang tapat-pusong mga tao saanman sila masumpungan at upang masubaybayan kaagad ang kanilang interes hangga’t maaari?

4 Sa Pamamagitan ng Pangangaral Nang Mas Matagal: Ang makalupang ministeryo ni Jesus ay limitado lamang sa tatlo at kalahating taon. Ang karamihan sa atin ay mas matagal nang nangangaral kaysa roon. Gaano man tayo katagal na pahintulutang magpatuloy sa gawaing ito, ipinagpapasalamat natin na tayo’y nakatutulong sa bawat bagong alagad na makapagsimula sa daan patungo sa buhay. (Mat. 7:14) Marami ba kayong ginagawa bawat buwan sa gawain ng Panginoon?​—1 Cor. 15:58.

5 Patuloy tayong makapagtitiwala na sa pag-alalay ni Jesus, mas malaking gawain pa ang maisasakatuparan natin bilang kaniyang tunay na mga alagad.​—Mat. 28:19, 20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share