Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/98 p. 1
  • Kilalanin ang Inyong mga Kapatid

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kilalanin ang Inyong mga Kapatid
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kilalaning Mabuti ang Inyong mga Kapatid
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Sino ang Ating mga Kapatid?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Patuloy na Patibayin ang Isa’t Isa Bawat Araw
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Palalimin ang Pag-ibig Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 9/98 p. 1

Kilalanin ang Inyong mga Kapatid

1 Inilalarawan ng Bibliya ang isang tunay na kaibigan bilang isang indibiduwal na nananatiling mas malapit kaysa sa isang kapatid, na patuloy na umiibig at nagtatapat, at handang tumulong sa kaniyang kasamahan sa panahon ng kagipitan. (Kaw. 17:17; 18:24) Hindi tayo kukulangin ng ganitong mga kaibigan sa kongregasyon kung pagsisikapan nating kilalanin at ibigin ang isa’t isa.​—Juan 13:35.

2 May maiinam na pagkakataon upang makilala ang ating mga kapatid bago at pagkatapos ng mga pulong. Bakit hindi dumating nang maaga at pagkatapos ay magpaiwan nang matagal-tagal upang tamasahin ninyo ang mainit at masiglang pagsasamahan? Hanapin ang iba’t ibang kapatid upang makausap, lakip na ang mga mas matanda at makaranasan at ang mga kabataan o mahiyain.

3 Umpisahan ang Pag-uusap: Huwag basta batiin ang inyong mga kapatid. Maaaring umpisahan ninyo ang pag-uusap sa pamamagitan ng paglalahad ng isang karanasan sa ministeryo sa larangan, isang puntong kapana-panabik mula sa isang bagong magasin, o isang komento tungkol sa katatapos lamang na pulong. Marami kayong malalaman hinggil sa inyong mga kapatid dahilan sa pagiging isang mabuting tagapakinig, na pinasisigla silang magkuwento hinggil sa kanilang mga karanasan at sa mga bagay na kanilang natututuhan. Kahit ang pagtatanong lamang kung paano nakilala ng isa si Jehova ay maaaring maghayag ng maraming bagay. Ang ilan ay dumanas ng nagpapatibay-pananampalatayang mga karanasan sa kanilang buhay, samantalang ang iba ay nagtitiis ngayon ng mga kalagayan na maaaring mahirap para sa marami na isipin. Ang pagkaalam nito ay makatutulong sa atin, bilang mga tunay na kaibigan, na maging sensitibo at tumutugon sa mga pangangailangan ng iba.

4 Makipagkaibigan sa Isa’t Isa: Pagkamatay ng kaniyang anak, nasumpungan ng isang sister na mahirap kumanta ng mga awiting pang-Kaharian na bumabanggit sa pagkabuhay-muli. Nagunita niya: “Minsan, nakita akong umiiyak ng isang sister na nakaupo sa kabilang panig ng pasilyo. Nilapitan niya ako, inakbayan ako, at sinabayan ako sa pagkanta ng natitirang bahagi ng awit. Nakadama ako ng malaking pag-ibig para sa mga kapatid na lalaki at babae at kay ligaya ko na kami’y dumalo sa mga pulong, na nababatid kung saan naroroon ang tulong para sa amin, doon sa Kingdom Hall.” Dapat nating kaibiganin ang ating mga kapatid sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng kaaliwan kapag ito’y kinakailangan at ng pampatibay-loob sa lahat ng panahon.​—Heb. 10:24, 25.

5 Habang lalo pang lumulupit ang matandang sanlibutang ito, maging kapasiyahan natin na higit pang kilalanin ang ating mga kapatid. Ang pagpapalitang ito ng tunay na pampatibay-loob ay magiging isang pagpapala para sa lahat.​—Roma 1:11, 12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share