Mga Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre
Linggo ng Setyembre 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang kahong “Isang Mungkahi.”
15 min: “Magagawa Natin ang Mas Dakilang mga Gawa.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang lahat na magtakda ng makatuwirang mga tunguhin para sa bagong taon ng paglilingkod at gumawa nang masikap upang maabot ang mga iyon.—Tingnan ang Ating Ministeryo, pahina 116-18.
20 min: “Pagtulong ng mga Payunir sa Iba.” Ipaliliwanag ng isang matanda na bukod pa sa pagsasanay na inilalaan ng Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, may isinagawang mga kaayusan para ang mga payunir ay personal na tumulong sa iba sa ministeryo. Siya’y magbabangon ng mga tanong salig sa artikulo at hihiling ng mga komento mula sa tagapakinig, lalo na sa mga payunir at mga mamamahayag na nasasangkot sa programa. Isaalang-alang kung paano tatamuhin ang pinakamabuting resulta mula rito. Maaaring ilahad ng mga payunir kung paano sila nasiyahan at nakinabang sa pakikibahagi sa pagtulong sa iba. Ang mga mamamahayag na natulungan ay maaaring magsabi kung gaano nila pinahahalagahan ang maibiging paglalaang ito at banggitin ang mga punto na nakatulong sa kanila upang magkaroon ng ibayong tagumpay at kagalakan sa ministeryo.
Awit 172 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Isang pahayag. Tayo ay magpapasimulang mag-aral sa brosyur na ito sa susunod na linggo sa pag-aaral ng aklat. Pasiglahin ang lahat na maghanda nang patiuna at dumalo sa bawat sesyon upang maging pamilyar sa brosyur at malaman kung paano ito pag-aaralan kasama ng iba. Basahin ang parapo sa ilalim ng “Ang Paggamit sa Brosyur na Ito.” Gamitin ang materyal sa Enero 15, 1997, Bantayan, pahina 16-17, upang idiin ang kahalagahan ng pagtuturo sa pamamagitan ng mga tanong, kasulatan, at mga ilustrasyon na nasa brosyur. Ang mga konduktor ng pag-aaral sa aklat ay dapat na magbigay ng isang mabuting halimbawa para doon sa mga nagdaraos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya, sa pamamagitan ng hindi masyadong pagkokomento at pagpapasok ng ekstrang mga detalye.—Tingnan ang Ating Ministeryo sa Kaharian, Hunyo 1996, pahina 3, parapo 5.
20 min: Kumusta ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Rerepasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang ulat sa paglilingkod ng kongregasyon at ang mga bilang ng dumalo sa pulong noong nakaraang taon. Ipakikita nila ang mga positibong aspekto ng ulat at magbibigay ng pansin kung saan makagagawa pa ng pagsulong. Nagkaroon ba ng 100 porsiyentong pakikibahagi sa paglilingkod noong Agosto? Balangkasin kung anong mga tunguhin ang pag-uukulan ng matamang pansin ng matatanda sa dumarating na mga buwan, lakip na ang pagtulong sa lahat na maging palagiang mamamahayag. Ibahagi ang angkop na mga punto mula sa nakaraang ulat ng tagapangasiwa ng sirkito.
Awit 144 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Kilalanin ang Inyong mga Kapatid.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa Oktubre 1, 1988, Bantayan, pahina 10-11. Pasiglahin ang lahat na magkusang kilalanin pa nang higit ang isa’t isa.
Awit 34 at pansarang panalangin.
Linggo ng Set. 28-Okt. 4
12 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa Setyembre. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng mga plano upang higit na makapagbahay-bahay sa Oktubre at nang mapasulong ang pamamahagi ng magasin. Tingnan ang Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8, para sa mga mungkahi kung paano maghahanda ng mga presentasyon. Itanghal ang alok sa pamamagitan ng kasalukuyang mga magasin. Kumuha ng suplay ng mga magasin para sa gawain sa dulong sanlinggo.
20 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa—Ang Tagapangasiwa sa Paglilingkod.” Isang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pagkatapos repasuhin ang kaniyang mga tungkulin, ipaliliwanag niya ang espesipikong pamamaraan kung paanong ang kongregasyon ay maaaring makipagtulungan upang mapasulong ang saklaw at bisa ng ministeryo sa lokal na paraan.
13 min: Ano ang Kailangan Upang Maging Isang Mabuting Mamamahayag ng Kongregasyon? Pahayag, na may ilang pakikibahagi ng tagapakinig. Hindi kinakailangang magkaroon ng napakahusay na mga kakayahan o mga katangian; sa halip, higit na kanais-nais ang pagkakaroon nating lahat ng saloobin ng pagkukusa na nagpapakita ng pag-ibig, pagpapakumbaba, sigasig, at pagpapahalaga. Anyayahan ang tagapakinig na magpaliwanag kung bakit ang sumusunod ay kanais-nais: (1) isang masayang espiritu, (2) regular na pagdalo at pakikibahagi sa mga pulong, (3) pagnanais na tumanggap at tumupad ng mga atas, (4) pakikipagtulungan sa mga matatanda at sa mga kaayusang ginawa para sa kongregasyon, (5) taimtim na interes sa pagtulong sa iba, at (6) regular na pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan at pag-uulat kaagad bawat buwan.
Awit 25 at pansarang panalangin.