Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang alinman sa aklat na Kaalaman o aklat na Salita ng Diyos sa ₱125.00. O ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay maaaring ialok kasama ng Bibliya sa ₱107.50. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ibinabahagi ba Ninyo ang Pangmalas ng Diyos sa Buhay?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag natapos na ito.
◼ Ang matatanda ay pinaaalalahanan na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa mga pahina 21-3 ng Abril 15, 1991, Bantayan, hinggil sa sinumang taong natiwalag o naghiwalay ng sarili na maaaring nagnanais na bumalik.