Isang Mungkahi
Muling itatampok bilang alok sa buwan ng Setyembre ang aklat na Kaalaman. Bagaman mayroon tayong mabuting dahilan upang ipako ang pansin sa mabisang pantulong na ito sa pag-aaral ng Bibliya, pakisuyong ingatan sa isipan na ang iba pang mga publikasyon ng Samahan ay naglalaan ng detalyadong impormasyon sa maraming paksang tinalakay lamang sa maikling paraan sa aklat na Kaalaman. Mapasusulong ninyo ang inyong ministeryo sa pagiging pamilyar sa lahat ng publikasyong nasa inyong kongregasyon at maging alistong irekomenda ang mga ito sa mga estudyante ng Bibliya at sa iba pa na nagpapakita ng interes sa isang partikular na paksa.