Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/98 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • Subtitulo
  • Linggo ng Oktubre 5-11
  • Linggo ng Oktubre 12-18
  • Linggo ng Oktubre 19-25
  • Linggo ng Okt. 26–Nob. 1
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 10/98 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre

Linggo ng Oktubre 5-11

Awit 199

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Ngayon Na ang Panahon.” Tanong-sagot. Banggitin ang ilang lokal na tunguhin na maaaring praktikal at ipakita kung paano matatamo ang mga ito.

20 min: “ ‘Paghahasik ng Binhi ng Kaharian’ sa mga Ruta ng Magasin.” Pagtalakay sa tagapakinig. Hilingin sa ilan na ipaliwanag kung paano nila napasimulan at napanatili ang isang ruta ng magasin. Pagkatapos ay itanghal ang isang presentasyon ng magasin kung saan gumawa ng mga kaayusan para bumalik taglay ang susunod na mga labas. Ipakita ang pangangailangang magkaroon ang lahat ng mamamahayag ng tiyak na pidido ng mga magasin upang magkaroon sila ng sapat na suplay.

Awit 133 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 12-18

Awit 42

5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

10 min: “Mga Nangungunang Tagapangasiwa​—Ang Kalihim.” Isang pahayag ng kalihim ng kongregasyon, na nirerepaso ang kaniyang atas na mga tungkulin. Kaniyang idiniriin na maaaring makipagtulungan ang lahat sa pamamagitan ng pagbibigay kaagad ng kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan.

10 min: Sila ay May Masiglang Espiritu ng Pagpapayunir. Isang nakapagpapasiglang pahayag salig sa 1998 Yearbook, pahina 104-7. Ipaliwanag kung bakit napakaraming payunir sa Hapon, kung ano ang nagpapahintulot sa mga ginang ng tahanan na mabigyan ng priyoridad ang espirituwal na mga kapakanan, kung ano ang layuning nasa likuran ng bawat aplikasyon sa pagpapayunir, at sinu-sino ang bumubuo sa karamihan ng mga payunir. Ilarawan ang mainam na impluwensiya ng nagpapayunir na mga magulang. Itampok kung anong paninindigan ang kailangan upang magawa ng isa ang kinakailangang pagbabago sa buhay para makapagpayunir. Pasiglahin ang lahat na seryosong pag-isipan nang may pananalangin ang posibilidad na sila’y makapagpayunir.

20 min: “Binabasa Mo ba ang mga Magasin?” Tanong-sagot. Repasuhin ang mga praktikal na mungkahi para sa pag-iiskedyul ng panahon sa personal na pagbabasa na masusumpungan sa Giya sa Paaralan, aralin 4, parapo 5-6.

Awit 107 at pansarang panalangin.

Linggo ng Oktubre 19-25

Awit 16

10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga puntong mapag-uusapan sa pinakabagong labas ng mga magasin. Ilahad ang mga karanasan sa 1997 Yearbook, pahina 45, at Oktubre 22, 1996, Gumising!, pahina 32. Pasiglahin ang lahat na sumama sa pamamahagi ng magasin sa dulong sanlinggong ito.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: Kung Paano Maghahanda Para sa Pag-aaral ng Bantayan. Pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng konduktor ng Pag-aaral sa Bantayan, salig sa Mayo 15, 1986, Bantayan, pahina 19-20, parapo 16-18 at Giya sa Paaralan, aralin 7, parapo 11, at aralin 18, parapo 4-6. Humiling ng mga komento sa sumusunod na tanong: (1) Bakit mahalaga na makuha natin ang pinakamalaking kapakinabangan sa bawat labas ng Ang Bantayan? (2) Ano ang dapat nating gawin kapag nakatanggap tayo ng isang bagong labas? (3) Ano ang mabuting paraan sa paghahanda para sa Pag-aaral ng Bantayan? (4) Ano ang dapat gawin sa mga kasulatang binanggit at sa tema ng aralin? (5) Paano natin rerepasuhin ang ating natutuhan? (6) Anong mga susing punto ang dapat nating bulay-bulayin kapag natapos na natin ang ating personal na pag-aaral ng leksiyon? (7) Paano tayo maghahanda ng isang komento? (8) Paano maibibigay ang iba’t ibang komento sa iisang tanong? Ipalahad sa ilan kung ano ang personal nilang ginawa upang makatulong sa kanila na matamo ang pinakamalaking kapakinabangan mula sa Pag-aaral ng Bantayan.​—Tingnan din ang Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo, pahina 65-7.

Awit 95 at pansarang panalangin.

Linggo ng Okt. 26–Nob. 1

Awit 98

10 min: Lokal na mga patalastas. Ilista ang luma nang mga publikasyong nasa inyong istak at na maaaring ialok sa ministeryo kapag nagkaroon ng mga pagkakataon. Yamang magkakaroon ng mga panahon ng bakasyon sa Nobyembre at Disyembre, ito’y magsisilbing isang mabuting panahon para isaalang-alang ng bautisadong mga kabataan at ng iba pa ang pag-o-auxiliary pioneer.

20 min: Maka-Diyos na Pagsunod sa Isang Nababahaging Pamilya Dahil sa Relihiyon. Pahayag salig sa Hunyo 1, 1995, Bantayan, pahina 26-9. Magbigay ng may-kabaitang pampatibay-loob at payo na makatutulong doon sa mga may di-kapananampalatayang asawa para mapanatili ang isang positibong saloobin at upang aktibong makisama sa kongregasyon.

15 min: Pagdating sa mga Pulong Nang Nasa Oras. Pagtalakay ng dalawa o tatlong konduktor ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat o ng mga ministeryal na lingkod hinggil sa suliranin ng pagdating nang huli sa mga pulong. Naniniwala silang ang mga di-karaniwang kalagayan, lakip na ang mga kagipitan, kalagayan ng panahon, trapiko, at iba pa ay maaaring maging dahilan para mahuli ang sinuman. Gayunpaman, nakaugalian na ng ilan ang pagiging huli. Sa positibong paraan, tinatalakay at ipinaghahalimbawa ng grupo kung ano ang kailangan upang maging nasa oras: (1) buong-pusong pagpapahalaga sa pribilehiyong dumalo sa mga pulong at sa espirituwal na pagkain at pagsasamahang inilalaan doon, (2) mabuting pagpaplano nang patiuna at pag-oorganisa ng personal na gawain, (3) kusang pagtutulungan ng mga miyembro ng pamilya, (4) pag-alis nang maaga at pagbibigay ng palugit sa di-inaasahang mga suliranin, at (5) pagiging tunay na palaisip na huwag makagambala sa ibang dumadalo. Ang lahat ay sumang-ayong ang suliraning ito ng pagdating nang huli ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng patuluyang pagsisikap na gumawa ng pagsulong.

Awit 86 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share