Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Isang pantanging pagsisikap ang gagawin upang makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan sa ₱120.00. Magpasakamay ng brosyur na Hinihiling sa mga interesado, at sikaping magpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos noon. Kapag natapos ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkaraang basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag na pinamagatang “Lumalakad Ka ba na Kasama ng Diyos?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang mga mamamahayag na nagnanais mag-auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na magplano ngayon at maagang magsumite ng kanilang mga aplikasyon. Tutulong ito sa matatanda upang makagawa ng kinakailangang kaayusan sa paglilingkod sa larangan at makapaghanda ng sapat na magasin at iba pang literatura. Ang mga pangalan ng lahat ng inaprobahan bilang auxiliary pioneer ay dapat na ipatalastas sa kongregasyon.
◼ Gaganapin ang Memoryal sa Huwebes, Abril 1, 1999. Kung ang inyong kongregasyon ay karaniwan nang nagpupulong kung Huwebes, dapat na ilipat ang mga ito sa ibang araw ng sanlinggo kung maaaring gamitin ang Kingdom Hall. Kung hindi ito posible at maaapektuhan ang inyong Pulong sa Paglilingkod, ang mga bahagi na partikular na naaangkop sa inyong kongregasyon ay maaaring ilakip sa ibang Pulong sa Paglilingkod.
◼ Lahat ng nakaugnay sa isang kongregasyon ay dapat magpadala ng lahat ng bago at panibagong suskrisyon ng Ang Bantayan at Gumising!, pati na ng kanilang personal na suskrisyon, sa pamamagitan ng kongregasyon.
◼ Pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal: Pinasisigla ang lahat na basahin ang iminumungkahing bahagi ng Bibliya gaya ng makikita sa 1999 Calendar at sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw, na magsisimula sa Marso 27 at magtatapos sa araw ng Memoryal, sa Abril 1.
◼ Hindi tinutugon ng Samahan ang mga pidido sa literatura ng indibiduwal na mamamahayag. Dapat na magsaayos ang punong tagapangasiwa ng isang patalastas na gagawin bawat buwan bago ipadala sa Samahan ang buwanang pidido ng kongregasyon sa literatura upang ang lahat ng nagnanais magkaroon ng personal na literatura ay makapagsasabi sa kapatid na humahawak ng literatura. Pakisuyong tandaan kung aling publikasyon ang nasa special-request items.
◼ Bagong Makukuhang Audiocassette:
Families—Make Daily Bible Reading Your Way of Life! (Ito ang drama tungkol sa tatlong Hebreo na napanood sa ating nakaraan lamang na pandistritong mga kombensiyon. Mamamahayag: ₱60.00; Payunir: ₱52.50.)—sa Ingles