Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/99 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Subtitulo
  • Linggo ng Marso 1
  • Linggo ng Marso 8
  • Linggo ng Marso 15
  • Linggo ng Marso 22
  • Linggo ng Marso 29
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 3/99 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Marso

Linggo ng Marso 1

Awit 33

8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

17 min: “Buong-Daigdig na Paggunita sa Kamatayan ni Kristo.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa Pebrero 1, 1997, Bantayan, pahina 11-12, parapo 10-14. Idiin kung paanong ang dakilang pag-ibig ni Jehova ay nag-udyok sa kaniya na maglaan ng pantubos para sa atin.

20 min: Nagtutulak na mga Dahilan Upang Mag-Auxiliary Pioneer sa Abril at Mayo. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod, na humihimok sa lahat na pag-isipang mabuti ang pag-o-auxiliary pioneer. Repasuhin ang pagbabago sa kahilingang oras para sa mga regular at auxiliary pioneer, gaya ng iniharap sa Enero 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 7. Ang pagbabagong ito ay dapat magpangyari sa marami pa na matamasa ang pribilehiyo ng buong-panahong paglilingkod. Ipaliwanag kung paanong ang ating pagpapahalaga sa hain ni Kristo ay nagtutulak sa atin na magsikap sa pangangaral sa iba. (2 Cor. 5:14, 15) Sa taóng ito, ang Memoryal ay papatak sa unang araw ng Abril. Kay inam na pampasigla para sa lahat ng mamamahayag ng Kaharian na iukol ang buong buwan sa pinaraming gawain sa paglilingkod! Repasuhin ang piniling mga tampok na punto mula sa mga insert ng Pebrero 1997 at Marso 1998 na Ating Ministeryo sa Kaharian na tumatalakay sa paglilingkuran bilang auxiliary pioneer. Isaalang-alang kung paano gagamitin ang inilaang mga halimbawang iskedyul. Repasuhin ang lokal na mga kaayusan sa paglilingkod. Pasiglahin ang mga mamamahayag na kumuha ng mga aplikasyon sa pag-o-auxiliary pioneer pagkatapos ng pulong.

Awit 44 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 8

Awit 52

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

20 min: “Anyayahan Silang Dumalo.” Tanong-sagot. Idiin ang kahalagahan ng laging pag-akay sa mga baguhang interesado sa mga pulong ng kongregasyon. Itanghal ang isang pakikipag-usap sa isang interesado, na ginagamit ang materyal sa aklat na Kaalaman, pahina 159, parapo 20, at pahina 161-3, parapo 5-8. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya at iba pang interesado na makadalo sa Memoryal sa Abril 1. Ipakita ang isang kopya ng inilimbag na paanyaya, at ipaliwanag kung paano ito mabisang magagamit. Ang lahat ay dapat magsimulang mamahagi ng mga paanyaya sa Memoryal sa linggong ito.

15 min: “Kung Paano Nagtutulungan ang mga Miyembro ng Pamilya Para sa Lubusang Pakikibahagi—Sa mga Pulong ng Kongregasyon.” Pag-uusap ng isang pamilya. Habang kinokomentuhan nila ang mga pangunahing punto sa artikulo, tatalakayin nila kung paano sila makapaghahanda para sa mga pulong bilang isang pamilya. Pag-uusapan nila ang mga paraan kung paano matutulungan ang isa’t isa upang makabahagi at kung ano ang dapat gawin para makarating ang pamilya sa pulong nang nasa oras.

Awit 62 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 15

Awit 56

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: “Nag-uukol ng Mahalagang Paglilingkod ang mga Ministeryal na Lingkod.” Pahayag ng isang may-kakayahang ministeryal na lingkod. Repasuhin ang mga pangunahing punto na tinalakay sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 57-9. Ipaliwanag kung paano ginagamit sa lokal na paraan ang mga ministeryal na lingkod upang tumulong sa kongregasyon.

20 min: Pagtatamasa ng Kasiyahan sa 1999 Yearbook. Pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Ipinaliliwanag ng asawang lalaki na unang inilathala ang Yearbook sa anyong aklat noong 1927 at na sa loob ng 70 taon, inilakip dito ang ulat ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Rerepasuhin nila ang mga tampok na bahagi sa “1998 Grand Totals,” na nasa pahina 31. Pagkatapos ay tatalakayin nila ang “A Letter From the Governing Body,” sa pahina 3-5, at magkokomento kung paano sila makatutugon sa ibinigay na pampatibay-loob.

Awit 68 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 22

Awit 162

10 min: Lokal na mga patalastas. Ipatalastas ang mga pangalan ng mga mag-o-auxiliary pioneer sa Abril. Ipaliwanag na hindi pa huli upang makapagsumite ng aplikasyon. Balangkasin ang buong iskedyul ng mga pulong para sa paglilingkod na isinaplano para sa Abril. Pasiglahin ang lahat na sundin ang pagbabasa ng Bibliya sa Memoryal na nakaiskedyul sa Marso 27–Abril 1, gaya ng binalangkas sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—1999 at sa 1999 Calendar.

15 min: Maghanda Para sa Memoryal. Isang pahayag. Dapat magplano ang lahat upang tulungan ang mga estudyante sa Bibliya at iba pang interesado na madaluhan ang Memoryal. Maaaring hindi naiintindihan ng mga baguhang dumadalo kung sino ang maaaring makibahagi sa mga emblema o kung ano ang kahulugan ng pagdiriwang na ito. Repasuhin ang isinasaad sa Abril 1, 1996, Bantayan, pahina 6-8, at ipakita kung paano natin matutulungan ang isang baguhang interesado na maunawaan ang kahulugan at layunin ng pagdiriwang na ito. Magtapos sa pamamagitan ng pagrerepaso sa “Mga Paalaala sa Memoryal” at pagbalangkas sa lokal na mga kaayusan sa Memoryal.

20 min: Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? Tatalakayin ng matanda ang kahalagahan at gamit ng brosyur kasama ang dalawa o tatlong may-kakayahang mamamahayag. Mas naging pamilyar tayo sa brosyur na ito nang pag-aralan natin ito sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Ginagamit ba natin ito nang mabisa sa paglilingkod sa larangan? Tatalakayin ng grupo ang sumusunod: Bakit maraming tao ang interesado sa paksang ito? Kung ihahambing sa huwad na relihiyosong mga turo, anong pag-asa ang itinatampok ng brosyur na ito? Paano natin magagamit ang mga tanong sa likurang pabalat upang makapukaw ng interes? Anong mga pagkakataon ang mayroon upang maialok ang brosyur na ito? Itanghal ang isang presentasyon na ginagamit ang mga kasulatan sa parapo 14 sa pahina 27. Pasiglahin ang lahat na maging alisto sa paggamit nang mabuti sa brosyur na ito.

Awit 92 at pansarang panalangin.

Linggo ng Marso 29

Awit 111

12 min: Lokal na mga patalastas. Paalalahanan ang lahat na ibigay ang kanilang mga ulat sa paglilingkod sa larangan para sa Marso. Iaalok natin ang suskrisyon sa Ang Bantayan at Gumising! sa Abril. Ipakita ang mga bagong labas na mga magasin, magmungkahi ng mga artikulo na maaaring itampok, at banggitin ang ilang espesipikong puntong mapag-uusapan. Ang lahat ay dapat magdala ng brosyur na Hinihiling at gamitin ito upang magpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga interesado.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

18 min: Paano Tayo Dapat Tumugon sa Payo? Pahayag ng isang matanda. Tayong lahat ay maaaring payuhan may kaugnayan sa ating saloobin, paggawi, pakikisama, o pakikibahagi sa mga gawain ng kongregasyon. Kung minsan ay may hilig tayong tumanggi sa payo o magdamdam. Ang pagiging handang tumanggap at magkapit ng payo ay maaaring maging napakahalaga sa ating espirituwal na kapakanan. Repasuhin ang mahahalagang salik at idiin ang mga dahilan kung bakit dapat nating tanggapin at pahalagahan ang payo.—Tingnan ang Abril 1, 1987, Bantayan, pahina 27-30.

Awit 118 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share