Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/99 p. 1
  • Anyayahan Silang Dumalo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Anyayahan Silang Dumalo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Naipapakita ng Pagdalo Natin sa mga Pulong?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • “Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • “Ang Espiritu at ang Kasintahang Babae ay Patuloy na Nagsasabi: ‘Halika!’”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 3/99 p. 1

Anyayahan Silang Dumalo

1 Isang paanyaya na ginawa noong nakaraang mga siglo ang ipinaaabot ngayon sa 233 lupain sa buong daigdig: “Halikayo, at umahon tayo sa bundok ni Jehova, . . . at tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan, at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.” (Isa. 2:3) Ang pag-akay sa mga tao sa organisasyon ni Jehova ay isa sa pinakamainam na paraan upang matulungan sila na makagawa ng espirituwal na pagsulong na umaakay tungo sa buhay na walang hanggan.

2 Ang ilang mamamahayag ay maaaring nag-aatubiling mag-anyaya sa mga tao na pumunta sa Kingdom Hall hangga’t hindi pa sila nagpakita ng malaking pagsulong sa pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Gayunman, kung minsan ay nagsisimula nang dumalo ang mga tao sa mga pulong ng kongregasyon bago pa man sila pagdausan ng pag-aaral sa Bibliya. Hindi natin dapat antalahin ang malugod na pag-aanyaya at pagpapasigla sa mga tao na dumalo sa mga pulong.

3 Kung ano ang Gagawin: Gamiting mabuti ang mga handbill upang ipabatid sa mga tao ang tungkol sa ating lokal na mga pulong. Banggitin na walang-bayad ang mga pulong at kailanman ay hindi pa nangolekta roon. Ipaliwanag kung paano idinaraos ang mga pulong. Sabihin na ang mga ito ay aktuwal na mga kurso sa pag-aaral ng Bibliya at na ang pinag-aaralang materyal ay inilalaan para makasubaybay ang lahat. Itawag-pansin ang iba’t ibang pinagmulan at kalagayan sa buhay ng mga dumadalo. Banggitin na ang mga ito ay taga-roon din at na maaaring dumalo ang mga bata anuman ang edad. Dapat nating anyayahan yaong ating inaaralan, anupat nag-aalok ng anumang tulong sa kanila para makadalo.

4 Ang isa sa mga huling bagay na nakaulat sa Bibliya ay isang taimtim na paanyaya na makibahagi sa mga paglalaan ni Jehova ukol sa buhay: “At ang espiritu at ang kasintahang babae ay patuloy na nagsasabi: ‘Halika!’ . . . At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” (Apoc. 22:17) Walang maihahalili sa pag-aanyaya sa iba na dumalo sa ating mga pulong.

5 Makahulang inilalarawan ng Isaias 60:8 ang daan-daang libong bagong tagapuri na ngayo’y dumaragsa sa mga kongregasyon ng bayan ng Diyos na gaya ng mga kalapati na “lumilipad na parang ulap, at parang mga kalapati patungo sa kanilang mga butas sa bahay-ibon.” Maaanyayahan natin ang lahat ng baguhan sa ating mga pulong at maipadarama na sila’y tinatanggap. Sa ganitong paraan, nakikipagtulungan tayo kay Jehova habang pinabibilis niya ang gawaing pagtitipon.—Isa. 60:22.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share