Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/93 p. 3-4
  • “Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Akayin ang mga Estudyante sa Organisasyon na Nasa Likod ng Ating Pangalan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Tulungan ang Iba na Dumalo sa mga Pulong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Pag-akay sa mga Estudiyante sa Bibliya Tungo sa Organisasyon ni Jehova
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Bahagi 8—Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 8/93 p. 3-4

“Tayo’y Magtungo sa Bahay ni Jehova”

1 May pananabik si David na tumugon sa paanyayang: “Tayo’y magtungo sa bahay ni Jehova.” (Awit 122:1) Ang “bahay” ni Jehova na kinakatawanan ng templo, ay tipunang dako niyaong mga nagnanais na sumamba sa tunay na Diyos. Ito’y isang santuaryo ng katiwasayan at kapayapaan. Sa ngayon, ang pambuong daigdig na Kristiyanong kongregasyon ay “bahay” ng Diyos, “isang haligi at suhay ng katotohanan.” (1 Tim. 3:15) Ang lahat ng mga paglalaan ukol sa kaligtasan ay matatamo sa pamamagitan ng alulod na ito. Dahilan dito, “lahat ng mga bansa ay magsisiparoon doon” kung nais nilang tamasahin ang mga pagpapala sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos.—Isa. 2:2.

2 Ang “bahay” na ito ay binubuo ng mahigit sa 69,000 mga kongregasyon sa 229 mga lupain. Ang pintuan ng mga Kingdom Hall sa palibot ng daigdig ay bukás, na may mahigit sa apat na milyong masisigasig na mga manggagawa na nagpapaabot ng paanyaya: “Halika! . . . Ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.” (Apoc. 22:17) Marami ang nakarinig ng mensaheng ito at tumugong may pagpapahalaga. Ang iba ay nabagbag ang damdamin subalit hindi pa nagtutungo sa bahay ni Jehova sa pamamagitan ng pakikisama sa kongregasyong Kristiyano. Ang mga ito ay may “espirituwal na pangangailangan” na maaaring masapatan ng mga paglalaang masusumpungan lamang sa kongregasyon. (Mat. 5:3) Tayo’y nabubuhay sa mapanganib na mga panahon, yamang ang katapusan ng sistemang ito ay mabilis na dumarating. Ang saloobin ng kawalang interes o pag-aatubili ay maaaring magbunga ng isang mapanganib na pagkaantala. May pangangailangang apurahang abutin ang mga tao upang “lumapit sa Diyos” sa pamamagitan ng paglapit sa kaniyang organisasyon. (Sant. 4:8) Papaano natin matutulungan sila?

3 Akayin ang Interes Tungo sa Organisasyon: Mula sa pasimula ng ating pakikipag-usap sa mga taong interesado, dapat nating akayin ang kanilang pansin tungo sa organisasyon. Bagamat maaari nating makita sa ganang sarili ang mga kasulatan at maipaliwanag ang mga saligang doktrina, hindi sa atin nagmula ang gayong kaalaman. Ang lahat ng ating natutuhan ay mula sa organisasyon, sa pamamagitan ng uring alipin na nagbibigay ng “pagkain sa kapanahunan.” (Mat. 24:45-47) Mula sa pasimula, dapat mabatid ng mga baguhan na ang nasasangkot sa dalisay na pagsamba ay higit pa sa atin o sa lokal na kongregasyon; mayroong isang organisado, teokratikong pambuong daigdig na lipunan na kumikilos sa ilalim ng patnubay ni Jehova.

4 Ang patnubay na ating tinatanggap ay mula kay Jehova, na nangakong papatnubay at magtuturo sa atin. (Awit 32:8; Isa. 54:13) Ang tagubiling ito ay pinalalaganap sa pamamagitan ng ating literatura. Kung matutulungan natin ang mga taong interesado na magkaroon ng mataas na pagkakilala sa literatura, na tinatanggap iyon bilang bukal ng nagliligtas-buhay na pagtuturo, malamang na babasahin at ikakapit nila ang mensahe nito sa halip na iwaksi iyon kaagad. Dapat nating laging iharap at gamitin ang literaturang ito sa paraang lilikha ng paggalang dito. Ito’y magtuturo sa mga baguhan na pahalagahan ang organisasyon at manalig sa mga paglalaan nito.

5 Ipabatid sa mga taong interesado na may isang sentrong pulungan sa komunidad kung saan regular na ibinibigay ang pagtuturo. Ibigay sa kanila ang direksiyon ng Kingdom Hall at mga oras ng pulong. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng ating mga pulong sa mga relihiyosong pagtitipon na marahil ay nadaluhan na nila. Malugod na tinatanggap ang lahat; walang koleksiyon o personal na pangingilak para sa pondo. Bagaman pinangangasiwaan ng inatasang mga ministro ang programa, ang lahat ay may pagkakataong makibahagi sa pamamagitan ng pagkokomento at pagganap ng bahagi sa pulong. Malugod na tinatanggap ang mga pamilya; ang mga anak ay kasali sa ating pagtalakay ng Bibliya. Ang ating mga ministro ay hindi nagsusuot ng mga pantanging kapa o kasuutan. Ang Kingdom Hall ay wastong nagagayakan at walang mga kandila, rebulto o imahen. Ang mga dumadalo ay pangkaraniwang mga nakatira sa lokal na komunidad.

6 Pasulong na Akayin ang Interes sa mga Pag-aaral sa Bibliya: Ang pangunahing layunin ng isang pag-aaral sa Bibliya ay upang magturo ng katotohanan ng Salita ng Diyos. Dapat ding magkaroon ang estudyante ng pagpapahalaga sa organisasyon ni Jehova at makilala niya ang kahalagahan ng pagiging bahagi nito. Ang dakilang gawain ni Jesus at ng kaniyang mga alagad noong unang siglo ay nakaakit sa mga taimtim na tao at pinagkaisa sila sa gawain sa ilalim ng sentrong lupong tagapamahala. Sa mga komunidad kung saan mabuti ang pagtugon, naitatag ang mga kongregasyon upang makapagbigay ng regular na pagsasanay at instruksiyon. Ang mga kaanib doon ay napatibay sa espirituwal, na tinutulungan silang makapagtiis sa mga panahon ng kapighatian. (Heb. 10:24, 25; 1 Ped. 5:8-10) Sa ating panahon layunin ni Jehova na “tipunin muli ang lahat ng mga bagay kay Kristo.” (Efe. 1:9, 10) Bilang resulta, mayroon tayong pandaigdig na “samahan ng mga kapatid.”—1 Ped. 2:17.

7 Ang lingguhang pag-aaral ng Bibliya ay dapat na maglakip ng pagtuturo na makatutulong sa mga estudyante na mapahalagahan ang organisasyon at samantalahin ang mga paglalaan para sa kanilang kaligtasan. Gumamit ng ilang minuto bawat linggo upang ilahad o ilarawan ang hinggil sa organisasyon at kung papaano ito kumikilos. Makakasumpong kayo ng mga litaw ng punto sa Mayo 1, 1985, Bantayan (Nobyembre 1, 1984 sa Ingles). Ang brochure na Jehovah’s Witnesses in the Twentieth Century at Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisa sa Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig ay tumatalakay sa mga pangunahing pitak ng organisasyon at kung papaano ito makatutulong sa atin. Ang pagsasaayos na mapanood ng mga estudyante sa Bibliya ang video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name ay makatutulong sa kanilang makita kung ano ang ginagawa nito. Maipakikita ng mga piniling ulat at mga karanasan sa Yearbook ang tagumpay ng gawain sa mga bansa at mga kultura na naiiba sa atin. Maaari ring gamitin ang iba pang publikasyon. Sa paglipas ng panahon, unti-unting ipaliwanag ang mga bagay gaya ng kung bakit tayo nagbabahay-bahay, ang layunin ng ating mga pulong, kung papaano tinutustusan ang ating gawain, at ang pambuong daigdig na saklaw ng ating gawain.

8 Maaaring magkaroon ng nakapagpapasiglang epekto sa mga baguhan kapag nakilala nila ang iba pang mga Saksi, anupat lumalawak ang kanilang pangmalas hinggil sa kongregasyon. Dahilan dito, anyayahan ang iba pang mamamahayag upang sumali sa pag-aaral sa pana-panahon. Yaong mga nakakatulad niya ang pinagmulan o interes ay maaaring makatulong sa pagkakaroon ng bagong pangmalas ng inyong estudyante. Marahil ang isang matanda ay maaaring sumama sa inyo upang makilala lamang sila. Ang pagsasaayos na dalawin ng tagapangasiwa ng sirkito o ng kaniyang asawa ang pag-aaral ay maaaring maging isang tunay na pagpapala. Kung may Saksi na nakatira sa malapit, ang pakikipagkilala nila sa estudyante sa Bibliya ay maaaring maging karagdagang pampatibay-loob sa estudyante upang dumalo sa mga pulong ng kongregasyon.

9 Pasiglahin ang mga Baguhan na Dumalo sa mga Pulong: Kailangang mabatid ng mga baguhan kung gaano kahalaga na dumalo sa mga pulong. Sikaping antigin ang kanilang interes. Ipakita ang mga artikulo na sasaklawin sa Pag-aaral ng Bantayan. Banggitin ang mga pamagat ng susunod na pahayag pangmadla. Ilahad ang mga tampok na bahagi ng materyal na sasaklawin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Sabihin ang inyong sariling damdamin kung ano ang inyong natututuhan sa mga pulong na ito at kung bakit ninyo nadaramang kailangang dumalo. Kung magagawa ninyo, ipagsama siya sa inyong sasakyan. Ang pagtawag sa telepono bago magpulong ay maaaring magbigay ng karagdagang dahilan upang dumalo.

10 Kapag dumalo sa pulong ang estudyante sa Bibliya, ipadama na siya’y malugod na tinatanggap. Ipakilala siya sa iba, lakip na sa mga matatanda. Kung siya’y dumadalo sa pahayag pangmadla, ipakilala siya sa tagapagsalita. Ilibot siya sa Kingdom Hall. Ipaliwanag ang layunin ng pagkakaroon ng counter ng literatura at magasin, mga kahon ng abuluyan, aklatan, at taunang teksto. Ipabatid sa kaniya na ang bulwagan ay hindi lamang isang bahay ukol sa pagsamba kundi isang sentro din kung saan inoorganisa ang gawaing pangangaral sa lokal na paraan.

11 Ipaliwanag kung papaano isinasagawa ang ating mga pulong. Ipakita sa estudyante ang mga publikasyong ating ginagamit. Ipaliwanag na ang Bibliya ang ating pangunahing aklat-aralin. Ang lahat ay maaaring makibahagi, lakip na ang mga bata. Ipaliwanag na ang lahat ng musika at mga salita sa ating songbook ay katha ng mga Saksi ni Jehova para sa ating pagsamba. Itawag-pansin na iba’t iba ang pinagmulan ng mga nagsisidalo. Magkomento nang positibo hinggil sa espiritu ng pagkapalakaibigan at pagkamapagpatuloy. Ang mabait, taimtim na interes na ito ay maaaring maging isa sa pinakamatibay na salik upang mapasigla ang estudyante na muling dumalo.

12 Kung Bakit ang Ilan ay Maaaring Nag-aatubili: Kadalasan, sa kabila ng lahat ng inyong pagsisikap, ang ilan ay nag-aatubiling lumapit sa organisasyon. Huwag susuko kaagad. Sikaping ilagay ang inyong sarili sa kanilang kalagayan. Hanggang sa panahong ito, marahil ay hindi nila nadarama ang pangangailang dumalo sa relihiyosong pagtitipon maliban sa mga pantanging okasyon. Maaaring ginigipit sila ng mga miyembro ng pamilya o ng mga malapit na kaibigan. Maaaring sila’y nangangamba sa mga kapitbahay na mapamintas kung magsalita. At sabihin pa, kaypala’y marami silang pinagkakaabalahang bagay sa lipunan at sa paglilibang. Marahil ay minamalas nila ang mga ito bilang di-mapagtatagumpayang mga hadlang; kailangan ninyong tulungan sila na makita ang mga bagay na ito taglay ang tamang pangmalas at “tiyakin ang higit na mahahalagang bagay.”—Fil. 1:10.

13 Magbigay ng maka-Kasulatang dahilan kung bakit kailangang patuloy na magtiyaga. Idiin na tayong lahat ay nangangailangan ng pampatibay-loob at ng espirituwal na kalakasan na ating natatamo sa ating pagsasamasama. (Roma 1:11, 12) Niliwanag ni Jesus na ang pagsalangsang ng pamilya ay hindi sapat na dahilan upang mag-atubili (Mat. 10:34-39) Hinimok tayo ni Pablo na huwag mahiyang ipakilala ang sarili bilang mga alagad ni Jesus. (2 Tim. 1:8, 12-14) Ang personal na mga tunguhin at pagkagambala ay dapat na kontrolin; kung hindi, ang mga ito ay magiging isang silo. (Luc. 21:34-36) Yaong mga karapatdapat sa pagpapala ni Jehova ay kailangang maging buong-kaluluwa, hindi kailanman bantulot. (Col. 3:23, 24) Ang pagkikintal ng pagpapahalaga sa gayong mga simulain ng Bibliya ay maaaring magbukas ng daan para sila ay sumulong sa espirituwal.

14 Ang mga Pintuan ay Bukás: Ang bahay ni Jehova sa tunay na pagsamba ay mas mataas kaysa iba pa. Ang paanyayang pinaaalingawngaw sa 229 na mga lupain sa palibot ng daigdig ay: “Halika, . . . tayo’y umahon sa bundok ni Jehova, . . . at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.” (Isa. 2:3) Ang positibong pagtugon ng mga baguhan ay maaaring magligtas ng kanilang buhay. Ang pag-akay ng interes tungo sa organisasyon ni Jehova ay isa sa pinakamabuting paraan ng pagtulong natin sa kanila.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share