Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/99 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 4/99 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan sa ₱120.00. Magpasakamay ng brosyur na Hinihiling sa mga interesado, at sikaping makapagpasimula ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Hunyo: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱7.50. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Maaari nang ipadala ngayon sa tanggapan ang mga pidido para sa mga pinabalatang tomo ng 1998 Watchtower at Awake! Ang halaga ng mga tomo ay ₱150.00 at walang ibang halaga sa payunir. Kapag natanggap ang mga pididong ito, lilitaw ang mga ito sa invoice na may tatak na “back ordered.” Hindi ito sisingilin sa kuwenta sa panahong iyon. Kapag ang mga tomo ay natanggap mula sa Brooklyn, ang mga ito ay ipadadala sa inyo at ang mga ito ay sisingilin sa inyong kuwenta sa panahong iyon.

◼ Marami pa tayong suplay sa tanggapang pansangay ng mga tomo ng 1997 Watchtower at Awake! Marahil ay nanaisin ng mga kongregasyon na pumidido ng ilan sa mga ito para sa mga aklatan ng kanilang Kingdom Hall sa panahong sila ay pipidido ng mga tomo ng 1998 gaya ng binanggit sa itaas.

◼ Yamang ang Mayo ay may limang Sabado at limang Linggo, maaari itong maging kombinyenteng panahon para ang marami ay makapag-auxiliary pioneer. Yaong maaaring gumawa nito ay dapat na magsumite ng kanilang aplikasyon nang maaga. Yaong mga inaprobahan ay dapat na ipatalastas sa kongregasyon.

◼ Kapag gumagawa sa mga nabubukod na lugar sa inyong teritoryo sa mga buwan ng tag-araw, pinakamabuti na mag-alok ng aklat na Kaalaman o ng brosyur na Hinihiling. Ang lahat ay dapat na magdala ng iba’t ibang tract para doon sa wala sa tahanan o para sa mga indibiduwal na hindi kumuha ng literatura. Dapat gumawa ng mga pagsisikap na subaybayan ang nasumpungang interes.

◼ Kailangan ng Samahan na mapanatiling tama ang rekord ng mga direksiyon at numero ng telepono ng lahat ng punong tagapangasiwa at mga kalihim. Kapag nagkaroon ng pagbabago sa anumang panahon, dapat na karaka-rakang kumpletuhin at ipadala ng kalihim sa Samahan ang isang Presiding Overseer/Secretary Change of Address (S-29) form.

◼ Dapat panatilihin ng kalihim ng kongregasyon na sapat ang suplay ng sumusunod na porma para sa payunir: Application for Regular Pioneer Service (S-205), Application for Auxiliary Pioneer Service (S-205b), at Notification for Discontinuing Regular Pioneer Service (S-206). Ang mga ito ay dapat na pididuhin sa Special Order Blank for Forms na ipadadala sa lahat ng kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Abril. Mag-ingat kahit man lamang ng isang taóng suplay. Repasuhin ang porma ng aplikasyon para sa regular pioneer upang matiyak na iyon ay kumpleto. Kung hindi matandaan ng mga aplikante ang eksaktong petsa ng kanilang bautismo, dapat nilang tantiyahin ang petsa at mag-ingat ng rekord nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share