Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ng mga aralin sa mga linggo ng Enero 4 hanggang Abril 19, 1999. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming mga tanong na masasagot mo sa panahong takda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang numero ng pahina at ang parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Hindi laging idinidikta ni Jehova nang salita por salita kung ano ang isinulat sa Bibliya. (2 Tim. 3:16) [w97 6/15 p. 5 par. 3]
2. Ang pagkakasuwato sa pamilya at ang espirituwal na paglaki ng mga anak ay lubusang depende sa mga magulang. (Kaw. 22:6) [fy p. 85 par. 19]
3. Dahilan sa ang kasalanan ay “nakaabang sa pasukan,” wala nang magagawa si Cain upang maiwasan ang paggawa ng malubhang pagkakasala. (Gen. 4:7) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w94 6/15 p. 14 par. 11.]
4. Habang lumalaki ang isang tin-edyer, dapat na awtomatikong pagkalooban siya ng higit na kalayaan sa pagpili ng libangan. [fy p. 73 par. 20]
5. Ang pagnanais na mapaluguran ang ating Maylalang ay nagbibigay ng pinakamabuting pampasigla upang sabihin ang katotohanan sa lahat ng panahon. (Kaw. 6:17) [g97 2/22 p. 19 par. 4]
6. Upang ang ‘mga salita ng ating bibig at ang pagbubulay ng ating puso ay maging kalugud-lugod kay Jehova’ sa panalangin, dapat pagsikapan na tayo’y maging mahusay sa pagsasalita hangga’t maaari. (Awit 19:14) [w97 7/1 p. 29 par. 4-5]
7. Ang mga utos, mga batas, at mga kautusan ni Jehova na binabanggit sa Genesis 26:5 ay tumutukoy sa tipang Kautusan. [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya, tingnan ang w92 7/1 p. 10 par. 8.]
8. Nang sabihin ni Jesus na “pinagaling ka ng iyong pananampalataya,” gaya ng nakatala sa Lucas 8:48, ibig niyang sabihin na ang babaing may sakit ay kailangan munang magpahayag ng kaniyang pananampalataya sa kaniya bilang Mesiyas bago siya mapagaling. [w97 7/1 p. 4 par. 2-4]
9. Ang Genesis 11:1 ay isa sa mga teksto sa Bibliya na gumagamit ng terminong “lupa” upang tumukoy sa sangkatauhan sa pangkalahatan, o sa lipunan ng mga tao. [g97 1/8 p. 27 par. 3]
10. Kahit na walang anumang kapahintulutan si Dina, mayroon pa rin siyang ilang pananagutan sa pagkawala ng kaniyang pagkabirhen. (Gen. 34:1, 2) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w85-E 6/15 p. 31 par. 4.]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Ano ang ipinahiwatig ni Satanas sa pamamagitan ng iniharap na pangangatuwiran sa Genesis 3:1-5? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w95 7/15 p. 5 par. 1.]
12. Sa Apocalipsis 19:15, ano ang inilalarawan ng “mahabang tabak na matalas” na lumalabas sa bibig ni Jesus? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w90 5/15 p. 4 par. 4.]
13. Ano ang idiniin ng bagay na si Moises ay nagbigay ng espesipikong mga petsa may kaugnayan sa Baha noong kaarawan ni Noe? [g97 2/8 p. 26 par. 4]
14. Paanong si Abraham ay “tumawag sa pangalan ni Jehova”? (Gen. 12:8) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w89 7/1 p. 20 par. 9.]
15. Sa konteksto, ano ang ibig sabihin ni Jehova nang sabihin niya kay Pablo: “Ang aking di-sana-nararapat na kabaitan ay sapat na para sa iyo”? (2 Cor. 12:9) [w97 6/1 p. 25 par. 3]
16. Ano ang maliwanag na nagpangyari upang lumingon ang asawa ni Lot, na naging dahilan upang siya’y maging isang haliging asin? (Gen. 19:26) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w90 4/15 p. 18 par. 10.
17. Paano minamalas ng mga Kristiyano ang pagbili ng nakaw na mga bagay? (Ex. 22:1; Jer. 17:11) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w92 6/15 p. 30 par. 3; p. 31 par. 1, 6-7.]
18. Ayon sa Genesis 33:18, paano ipinakita ni Jacob na hindi siya interesado sa pakikihalubilo sa mga Canaanita? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w95 9/15 p. 21 par. 4.]
19. Paanong ang pagkilos ni Jose na inilarawan sa Genesis 37:13 ay nakakatulad niyaong kay Jesus? [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w87 5/1 p. 12 par. 12.]
20. Ano ang pagkakaiba ng Diyos at ng tao kung tungkol sa pagpapakita ng galit? [g97 6/8 p. 19 par. 2-3]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Ang pagpaparatang ng ․․․․․․․․ mga motibo sa iba nang walang ․․․․․․․․ dahilan ay katumbas ng paghatol sa kanila. [w97 5/15 p. 26 par. 5]
22. Ang pagiging totoo ng aklat ng Genesis ay ipinakikita ng panloob na ․․․․․․․․ nito, at ng lubos na ․․․․․․․․ nito sa natitira pang bahagi ng kinasihang Kasulatan. [si p. 14 par. 8]
23. Ang mga halimbawa nina Rehoboam at Eli ay makatutulong sa mga magulang na kilalanin ang ibinubunga ng pagiging labis na ․․․․․․․․ o labis na ․․․․․․․․ sa pagpapalaki sa anak. [fy p. 80-1 par. 9-13]
24. Ang pagkuha ng ․․․․․․․․ ay isang mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng isang makadiyos na ․․․․․․․․. [w97 8/1 p. 4 par. 5]
25. Ang pagbibigay-alam sa pagkakasala ay isang kapahayagan ng Kristiyanong pag-ibig na may prinsipyo para sa ․․․․․․․․, para sa ․․․․․․․․, at para sa ․․․․․․․․. [w97 8/15 p. 30 par. 2]
Piliin ang tamang sagot sa bawat sumusunod na pangungusap:
26. Ang (mahigpit; banayad; angkop) na disiplina ay katunayan ng pagmamahal ng magulang sa kaniyang anak. (Heb. 12:6, 11) [fy p. 72 par. 18]
27. Ang Genesis 7:6, 11 ay tumutukoy sa taóng (2970; 2370; 2020) B.C.E., “nang ang baha ng tubig ay maganap sa lupa.” [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang si p. 294 tsart.]
28. Sa Juan 8:32, ang kalayaang nasa isip ni Jesus ay ang kalayaan mula sa (pamamahala ng Roma; pamahiin; kasalanan at kamatayan). [w97 2/1 p. 5 par. 1]
29. Sa pangwakas na katuparan ng Genesis 22:18, ang binhi ay tumutukoy (kay Isaac; sa mga Israelita; kay Jesus at sa 144,000). [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w98 2/1 p. 14 par. 8.]
30. Ang (pagsunod sa Kautusang Mosaiko; pagiging totoo ng Diyos at karapat-dapat na pagkatakot na hindi siya mapalugdan; pagkatakot sa parusa) ang nakatulong kay Jose na matagumpay na mapaglabanan ang imoral na mga tukso. (Gen. 39:9) [Lingguhang pagbabasa ng Bibliya; tingnan ang w81 8/15 p. 8 par. 1.]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Kaw. 5:3, 4; 15:22; 20:11; Efe. 5:19; 2 Tim. 3:16
31. Mahalaga para sa mga magulang na tiyaking ang kanilang mga anak ay buong-pusong naniniwala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting asal at malinis na pamumuhay. [fy p. 67 par. 8]
32. Ang kompidensiyal na pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at ng kanilang tin-edyer na mga anak ay mahalaga upang mapanatiling bukás ang mga linya ng komunikasyon. [fy p. 65 par. 4]
33. Ang susi upang mapasulong ang pag-awit sa mga pulong ng kongregasyon ay ang pagkakaroon ng tamang kalagayan ng puso. [w97 2/1 p. 27 par. 3]
34. Ang pagkakaroon ng kaunawaan hinggil sa mga turo ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay isang kahilingan para sa buhay na walang hanggan. [w97 8/15 p. 6 par. 5]
35. Upang maiwasan ang tukso ng imoralidad, dapat nating kilalanin na iyon ay mali at iyon ay may kapaha-pahamak at masaklap na bunga. [fy p. 93 par. 9]