Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/99 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hunyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hunyo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 7
  • Linggo ng Hunyo 14
  • Linggo ng Hunyo 21
  • Linggo ng Hunyo 28
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 6/99 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Hunyo

Linggo ng Hunyo 7

Awit 45

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Teokratikong mga Balita.

15 min: “Tinuturuan Tayo ni Jehova.” Huwag paabutin ng isang minuto ang pambungad na mga komento, at sundan ng isang tanong-sagot na pagtalakay. Anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang ilan sa mga kapakinabangang natanggap nila mula sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, Pioneer Service School, Kingdom Ministry School, at iba pa. Idiin kung paano nakatulong ang mga ito na maging mas mabisa sa ministeryo ang bayan ni Jehova.

20 min: “Gamiting Mabuti ang Iyong Panahon.” Talakayan sa pagitan ng isang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat at ng isa o dalawang makaranasang mamamahayag na naglalahad kung paano nila ginagamit ang kanilang panahon upang makibahagi nang lubusan hangga’t maaari sa paglilingkod sa larangan. Ipinaliliwanag nila ang kahalagahan ng isang praktikal na iskedyul at idiniriin ang pangangailangan ng gayong iskedyul. Inilalahad nila kung paano nila iniiwasan ang mga pagsasayang ng panahon na gaya ng hindi karaka-rakang pagpapasimula, di-maayos na patiunang pagpaplano, o labis na pakikihalubilo sa panahon ng ministeryo. Samantalang isinasaalang-alang ang lokal na mga kalagayan, magbigay ng praktikal na mga mungkahi kung paano gagamiting mabuti ang panahon.

Awit 48 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 14

Awit 63

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Maaari Ka Bang Tumulong?” Pagtalakay sa tagapakinig na pangangasiwaan ng isang matanda. Ilakip ang mga mungkahing binanggit sa Oktubre 8, 1995, Gumising!, pahina 8-9, hinggil sa pagtulong sa mga nagsosolong magulang. Anyayahan ang ilan na ipahayag ang kanilang pagpapahalaga sa maibiging pagtulong na natanggap nila mula sa iba sa kongregasyon.

Awit 53 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 21

Awit 72

10 min: Lokal na mga patalastas. Kung ang kongregasyon ay may mga stock ng mga aklat na Mga Tanong ng mga Kabataan o Kabataan, ipakita kung paano mabisang magagamit ang mga ito sa ministeryo kapag nakatagpo tayo ng mga tin-edyer. Ang mga kabataan sa paaralan ay maaaring pasiglahin na magdala ng mga kopya upang maipasakamay sa mga kaeskuwela.

17 min: Gamiting Mabuti ang mga Video at mga Inirekord na Drama. Maaari kayang gamitin nang mas mabuti ang 10 video at 11 inirekord na drama sa audiocassette na inilaan ng Samahan? Napanood o napakinggan na ba ninyo at ng inyong pamilya ang ilan sa mga ito? Ipakita kung paanong ang mga ito ay maaaring magpasulong sa ating pagbabasa ng Bibliya, magpatibay sa ating espirituwalidad at magbigay ng mainam na patotoo sa katotohanan. Hilinging magkomento ang mga tagapakinig kung aling video o inirekord na drama ang nasumpungan nilang totoong mabisa sa pagpapatibay-loob sa kanilang pamilya o sa pag-akay sa mga baguhan tungo sa organisasyon. Ilahad ang ilang karanasan na nagpapakita ng mabubuting resulta. (Tingnan ang 1999 Yearbook, pahina 5-12.) Pasiglahin ang lahat na gamiting mabuti ang mga video at inirekord na mga drama.

18 min: “Panlabas na Anyo Lamang ba ang Iyong Nakikita?” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Idiin ang mga dahilan kung bakit hindi tayo dapat agad-agad na bubuo ng palagay tungkol sa mga taong ating natatagpuan. Repasuhin sa maikli ang aral na itinuro ni Jehova kay Jonas, na may-kamaliang humusga sa mga itinuturing niyang di-karapat-dapat. (Tingnan ang Agosto 15, 1997, Bantayan, pahina 21-2, parapo 17-19.) Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento tungkol sa iba’t ibang tao na natagpuan nila sa teritoryo, na inilalahad kung paano nila napanatili ang isang positibong saloobin hinggil sa mga ito at ipinaubaya ang paghatol sa mga kamay ni Jehova.

Awit 77 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 28

Awit 85

12 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Hunyo. Repasuhin ang alok na literatura sa Hulyo. Ipakita ang mga brosyur na maaaring makuha at may sapat na suplay, at imungkahi ang isa o dalawang bahagi na maaari nating itampok sa ating mga presentasyon. Ilakip ang isang pagtatanghal na inihandang mabuti.

13 min: Bakit Pinahihintulutan ni Jehova ang Pag-uusig sa Kaniyang Bayan? Pahayag ng isang matanda, salig sa Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos, pahina 676-7. Gaya ng inihula ni Jesus, tayo ay ‘kinapopootan ng lahat ng bansa.’ (Mat. 24:9) Maaari tayong mapaharap sa pag-uusig kapag nakikibahagi tayo sa ministeryo, nakikisalamuha sa mga makasanlibutang kamag-anak, o nakikitungo sa mga di-Saksi sa lugar ng trabaho at sa paaralan. Sa positibong paraan, ipinaliliwanag ng tagapagsalita kung bakit pinahihintulutan ni Jehova ang gayong pag-uusig o pagsalansang at kung paanong ang ating pagbabata rito ay magbubunga ng mga pagpapala sa dakong huli.

20 min: Humayo Kung Saan Naroroon ang mga Tao! Isang pahayag salig sa 1997 Yearbook, pahina 42-8. Bagaman dapat tayong magpatuloy sa regular na pakikibahagi sa pagpapatotoo sa bahay-bahay, buong-pananabik tayong humahanap ng mga pagkakataon upang makapagpatotoo nang di-pormal—kailanman at saanman. Ilahad ang mga karanasan mula sa Yearbook na nagpapakita kung paano nagtagumpay ang iba sa paggawa ng gayon samantalang nakasakay sa bus, naglalakad sa lansangan o tabing-dagat, lumalapit sa mga nakaparadang kotse, nagtutungo sa mga hintuan ng trak, gumagamit ng telepono, at sumusulat ng mga liham. Habang ipinahihintulot ng panahon, anyayahan ang mga tagapakinig na ilahad ang ilan sa kanilang sariling mga karanasan. Pasiglahin ang lahat na samantalahin ang bawat pagkakataon na magbigay ng patotoo saanman naroon ang mga tao.

Awit 75 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share