Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/01 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hunyo 18
  • Linggo ng Hunyo 25
  • Linggo ng Hulyo 2
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 6/01 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hunyo 11

Awit 178

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Himukin ang lahat na panoorin ang video na Jehovah’s Witnesses Stand Firm Against Nazi Assault bilang paghahanda sa pagtalakay sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Hunyo 25.

15 min: “Magpatuloy sa ‘Paggawa ng Kung Ano ang Mainam.’” Isang nakapagpapatibay na maka-Kasulatang pahayag ng isang matanda.

20 min: “Abutin ang Puso ng Iyong Estudyante.”a Ilakip ang praktikal na mga mungkahi kung paano tutulungan ang mga baguhan na magkaroon ng pananampalataya at pag-ibig sa kanilang puso para kay Jehova at kay Jesus. Gamitin ang mga susing punto sa Hulyo 15, 1999, Bantayan, pahina 14, parapo 18-20.

Awit 184 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 18

Awit 194

5 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

10 min: Pagsagot sa Posibleng Maging Mga Pagtutol. Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Repasuhin ang “Mga komento” sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 15 (p. 15-16 sa Ingles). Mula sa pahina 16-20, pumili ng ilang pagtutol na nasumpungan ninyo sa inyong teritoryo. Anyayahan ang tagapakinig na isalaysay kung anong mga pagtugon ang naging mabisa at kung bakit.

30 min: “Mailalaan Mo ba ang Iyong Sarili?” Nakapagpapatibay na pahayag na sinasalitan ng mga komento mula sa tagapakinig bilang sagot sa inihandang mga tanong sa parapo 13 at 18-24. Himukin ang mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na isaalang-alang ang paglilingkod sa Bethel bilang isang karera. Irekomenda sa mga pamilya na pag-aralan ang insert na ito nang magkakasama sa kanilang pampamilyang pag-aaral.

Awit 197 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hunyo 25

Awit 2

15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang alok na literatura para sa Hulyo at Agosto. Itampok ang dalawang brosyur na nasa inyong istak. Magkaroon ng inihandang mabuti na mga pagtatanghal kung paano iaalok ang mga ito sa ministeryo. Para sa mungkahing mga presentasyon, tingnan ang likurang pahina ng Hulyo at Agosto 1995 hanggang 1998 na isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian.

30 min: “Nanindigan Ako! Nanindigan Ako! Nanindigan Ako!” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa video na Stand Firm, na ginagamit ang mga tanong sa parapo 2. Pagkatapos ay isaalang-alang ang mga parapo 3-4. Magtapos sa pamamagitan ng karanasan sa Nobyembre 22, 1999, Gumising!, pahina 31. (Pansinin: Sa mga kongregasyong walang video na ito, ang pahayag na “Kapag Umapaw ang Pagkabukas-palad” ay maaaring ibigay, salig sa Nobyembre 1, 1999 Bantayan, pahina 20-23.) Sa Agosto ay rerepasuhin natin ang video na The New World Society in Action.

Awit 29 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 2

Awit 5

13 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang kahon na “May mga Yearbook Bang Nawawala sa Inyong Aklatan?” Ibahagi ang maiikling karanasan na hinango mula sa mga Yearbook ng 1994, 1995, 1996, o 1997 upang maipakita ang kahalagahan ng nilalaman ng mga ito.

15 min: Mga Kabataan​—Maging Matalino sa Pagpili ng Inyong Karera. Ito ang una sa tatlong bahagi sa Pulong sa Paglilingkod na magrerepaso sa maka-Kasulatang mga simulaing kaugnay ng karagdagang edukasyon. Itinataguyod ng ilang kabataang Kristiyano ang sekular na mga karera sa pamamagitan ng mas mataas na edukasyon, na may negatibong epekto sa kanilang espirituwalidad. Ang bahaging ito ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magulang at ng kanilang tin-edyer na anak na lalaki o babae. Ang kabataan ay nasa punto na kailangang gumawa ng maselan na pagpapasiya hinggil sa mga tunguhin sa hinaharap. Bagaman ang ilan ay maaaring nagnanais na itaguyod ang pinansiyal na mga kapakinabangan, katanyagan, o kaalwanan ng buhay, sinusuri ng pamilya ang Bibliya upang makita kung ano ang inirerekomenda nito. (Tingnan ang Tanong ng mga Kabataan, pahina 174-5; Ang Bantayan, Agosto 15, 1997, pahina 21, at Setyembre 1, 1999, pahina 19-21, parapo 1-3 at 5-6.) Sumang-ayon ang kabataan na katalinuhan na itaguyod ang isang landasin ng buhay na makatutulong sa kanila sa pagtatamo ng teokratikong mga tunguhin upang mapasulong ang mga kapakanan ng Kaharian.

17 min: “Maging Alisto sa Paghahanap ng mga Taong Bingi sa Inyong Teritoryo.”b Kung may mga estadistika, banggitin kung ilang taong bingi ang nasumpungan na sa teritoryo ng inyong kongregasyon.

Awit 32 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share