Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/01 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Subtitulo
  • Linggo ng Hulyo 9
  • Linggo ng Hulyo 16
  • Linggo ng Hulyo 23
  • Linggo ng Hulyo 30
  • Linggo ng Agosto 6
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 7/01 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Hulyo 9

Awit 4

8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

17 min: Ulat ng Paglilingkod sa Abril. Pahayag at mga panayam na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Itampok ang ulat ng paglilingkod sa larangan noong Abril para sa lokal na kongregasyon. Kapanayamin ang iba’t ibang mamamahayag na gumawa ng ibayong pagsisikap sa ministeryo sa buwan na iyon.​—Tingnan ang insert ng Marso 2001 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 28-30.

20 min: “Maaari Ka Bang Maglingkod Kung Saan May Higit na Pangangailangan?”a​—Tingnan ang aklat na Ang Ating Ministeryo, pahina 112-13.

Awit 42 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 16

Awit 10

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.

15 min: Mga Kabataan​—Tuusin ang Halaga ng Inyong Karera. Isang ama at ang kaniyang tin-edyer na anak na lalaki o babae ang lumapit sa isang matanda na may praktikal na karanasan sa sekular na hanapbuhay. Pagkatapos isaalang-alang ang bahagi sa Pulong sa Paglilingkod hinggil sa pagpili ng karera dalawang linggo na ang nakalilipas, seryosong pinag-iisipan ng kabataan ang pagpasok sa paglilingkuran bilang regular pioneer ngunit nag-aalinlangan siya kung paano niya matutustusan ang kaniyang materyal na mga pangangailangan. Idiniin ng matanda ang pangangailangan para sa timbang na pangmalas. (Setyembre 1, 1999, Bantayan, pahina 11, parapo 13) Isang katalinuhan na kumuha ng isang uri ng pagsasanay upang magkaroon ng kakayahang matustusan ang sarili. Naging mabuti naman ang kalagayan ng marami sa pamamagitan lamang ng pag-aaral ng saligang mga kasanayan na nangangailangan ng kaunting panahon at salapi. (Pebrero 1, 1996, Bantayan, pahina 14; Tanong ng mga Kabataan, pahina 178) Sama-sama nilang tinalakay ang Marso 8, 1996, Gumising!, pahina 9-11, at ilang praktikal na mungkahi sa paghahanap o paggawa ng angkop na sekular na trabaho.

20 min: Jehovah’s Witnesses​—Who Are They? What Do They Believe? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig at pagtatanghal. Suriin ang brosyur na ito, at talakayin kung paano ito magagamit upang ipaalam sa iba ang tungkol sa atin at sa ating gawain. Ipinakikilala nito kung sino tayo (pahina 3-5), itinatampok ang ilan sa ating makabagong kasaysayan at mga gawain (pahina 6-11), itinatala ang mga paniniwala na nagpangyaring mapaiba tayo sa ibang mga relihiyon (pahina 12-14), ipinaliliwanag ang mabuting balita na ating ipinangangaral at kung paano natin ito ipinangangaral (pahina 15-21), ipinakikita kung paano nakikinabang ang komunidad sa ating gawain (pahina 22-4), ipinakikita ang internasyonal na lawak ng ating organisasyon (pahina 25-6), at sinasagot ang mga tanong na karaniwang ibinabangon tungkol sa atin (pahina 27-31). Itatanghal ng isang mamamahayag ang paggamit ng brosyur upang sagutin ang isa sa mga tanong sa pahina 29 na ibinangon ng isang may-bahay. (Pansinin: Kung ang brosyur na ito ay hindi makukuha sa inyong kongregasyon, gamitin na lamang ang brosyur na Mga Saksi ni Jehova​—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig.)

Awit 50 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 23

Awit 19

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Maghanda Para sa Pag-aaral ng Hula ni Isaias!”b Komentuhan sa maikli kung paano tayo makikinabang sa pag-aaral ng aklat ni Isaias.​—Tingnan ang kabanata 1, parapo 10-12, sa Hula ni Isaias I.

Awit 53 at pansarang panalangin.

Linggo ng Hulyo 30

Awit 22

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Mga Kabataan​—Gamitin ang Unawa sa Pagpaplano ng Inyong Edukasyon. Isang matanda ang nakikipag-usap sa ilang magulang at sa kanilang mga anak na tin-edyer tungkol sa karagdagang edukasyon. Pangungunahan ng matanda ang pagtalakay sa Setyembre 1, 1999, Bantayan, pahina 16-17, parapo 11-13, na idiniriin ang mga dahilan kung bakit dapat mauna ang buong panahong ministeryo sa kanilang talaan ng mga dapat unahin. (Disyembre 1, 1996, Bantayan, pahina 18-19, parapo 13-15) Pagkatapos ay rerepasuhin ng grupo ang payo sa Marso 8, 1998, Gumising!, pahina 20-1, na idiniriin ang pangangailangang gamitin ang unawa sa pagtitimbang sa mga kapakinabangan at mga disbentaha ng karagdagang edukasyon. Ang lahat ay sumasang-ayon na dapat silang maugitan ng payo ni Jesus na unahin muna ang kapakanan ng Kaharian.​—Mat. 6:33.

15 min: “Mapaglalabanan Mo ang Panghihina ng Loob!” Pahayag ng isang matanda salig sa artikulo sa isyu ng Bantayan ng Pebrero 1, 2001, pahina 20-3. Ikapit ang materyal sa lokal na paraan upang maging praktikal ito sa kongregasyon.

Awit 57 at pansarang panalangin.

Linggo ng Agosto 6

Awit 25

5 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Ang Salitang Binigkas sa Tamang Panahon.” Pahayag na may dalawa o tatlong pagtatanghal ng mga iminungkahing presentasyon.

20 min: “Huwag Mag-atubili!”c Kung ipinahihintulot ng panahon, ilahad ang mga karanasan mula sa Disyembre 15, 1999, Bantayan, pahina 25.

Awit 63 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pagtalakay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share