Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Maaaring gamitin ang alinman sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!, “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay,” Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?, Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, Ang Pamahalaan na Magdadala ng Paraiso, Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?, Ano ang Layunin ng Buhay—Paano Mo Masusumpungan?, at Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Ang mga brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao at Will There Ever Be a World Without War?, gayundin ang bagong brosyur na Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos!, ay maaaring ialok kung angkop. Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kung may masumpungang interes sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya kung posible.
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng isa na inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Kapag naisagawa na ito, gumawa ng patalastas sa kongregasyon pagkatapos basahin ang susunod na ulat ng kuwenta.
◼ Ang taunang imbentaryo ng lahat ng hawak na literatura at magasin ay dapat na gawin sa Agosto 31, 2001, o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Ang imbentaryong ito ay katulad ng aktuwal na pagbilang na ginagawa buwan-buwan ng tagapag-ugnay sa literatura, at ang kabuuan nito ay dapat na itala sa Literature Inventory form (S-18). Ang kabuuang bilang ng hawak na mga magasin ay makukuha mula sa mga lingkod sa magasin sa bawat kongregasyon na kabilang sa grupo ng literatura. Bawat tagapag-ugnay na kongregasyon ay tatanggap ng tatlong Literature Order form (S-18) kasama ng statement ng Hunyo. Pakisuyong ipadala ang orihinal sa Samahan sa pamamagitan ng koreo nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya para sa inyong salansan. Ang ikatlong kopya ay maaaring gamitin bilang work sheet. Dapat pangasiwaan ng kalihim ng tagapag-ugnay na kongregasyon ang imbentaryo. Siya at ang punong tagapangasiwa ng tagapag-ugnay na kongregasyon ang pipirma sa form.
◼ Kalakip ng statement sa Hunyo, tatanggap ang bawat kongregasyon ng dalawang kopya ng Congregation Analysis Report (S-10). Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat upang tumpak at masinop na mapunan ang form na ito, pagkatapos ay dapat na maingat na suriin ito ng komite sa paglilingkod. Ang orihinal ay dapat na ipadala sa Samahan sa Setyembre 6. Ingatan ang ikalawang kopya sa inyong salansan.
◼ Ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—2002 at sa 2002 Calendar ay dapat nang ipadala ngayon sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging order blank para sa dalawang ito kasama ng statement ng Hunyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6.
◼ May panahon pa para sa mga nagpaplanong magsimula sa gawain bilang regular pioneer sa Setyembre 1 na isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ito ay sinang-ayunan ng komite sa paglilingkod, dapat na ipadala agad ang mga ito sa Samahan sa pamamagitan ng koreo upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.
◼ Pasimula sa taóng ito, ang mga regular pioneer ay hindi magiging kuwalipikadong dumalo sa Pioneer Service School malibang sila ay may 16 na taóng gulang na pagsapit ng Setyembre 1 ng taóng dadalo sila sa paaralan. Isang eksemsiyon ang gagawin kung ang payunir na magulang ng isang menor-de-edad ay kuwalipikadong dumalo sa klase ring iyon.