Repaso sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro
Nakasara-aklat na repaso sa materyal na saklaw ang mga aralin sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro sa mga linggo ng Mayo 7 hanggang Agosto 20, 2001. Gumamit ng isang bukod na pilyego ng papel na susulatan ng mga sagot sa pinakamaraming tanong na masasagot mo sa panahong itinakda.
[Pansinin: Sa panahon ng nasusulat na repaso, tanging ang Bibliya lamang ang maaaring gamitin sa pagsagot sa anumang tanong. Ang mga reperensiya na kasunod ng mga tanong ay para sa iyong personal na pagsasaliksik. Ang mga numero ng pahina at ng parapo ay maaaring hindi lumilitaw sa lahat ng reperensiya sa Ang Bantayan.]
Sagutin ang bawat pangungusap ng Tama o Mali:
1. Ang panalanging binanggit sa Nehemias 2:4 ay isang panalangin ng kawalang-pag-asa, sa kahuling-hulihang sandali. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 25 par. 8.]
2. Ang salitang “kongregasyon” ay isinalin mula sa Griegong salita na ek·kle·siʹa, at nakapaloob sa terminong ito ang mga ideya ng pagkakaisa at pagtutulungan. [w99 5/15 p. 25 par. 4]
3. Bagaman iniiwasan ng mga lingkod ni Jehova ang mga kaugaliang kaugnay ng kamatayan na salungat sa Salita ng Diyos, hindi nila tinatanggihan ang lahat ng kaugaliang kaugnay ng kamatayan. (Juan 19:40) [rs p. 109 par. 3]
4. Nang panahong nabubuhay si Job, siya lamang ang taong tapat kay Jehova. (Job 1:8) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w92 8/1 p. 31 par. 3-4.]
5. Ang katotohanan na sinuportahan ni Saul, o Pablo, ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga tolda ay nagpapakita na siya ay may mababang pinagmulan. (Gawa 18:2, 3) [w99 5/15 p. 30 par. 2–p. 31 par. 1]
6. Bagaman si David ay nakagawa ng malulubhang kasalanan, masasabi ni Jehova na siya ay “lumakad na kasunod ko nang kaniyang buong puso” dahil sa nagsisising saloobin at mabubuting katangian ni David. (1 Hari 14:8) [w99 6/15 p. 11 par. 4]
7. Malibang ang ipinangako natin ay di-makakasulatan, dapat nating gawin ang buo nating makakaya upang tuparin ang ating mga pangako kahit sa kalaunan ay masumpungan nating mahirap palang gawin iyon. (Awit 15:4) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 9/15 p. 28 par. 5.]
8. Ipinahihiwatig ng Awit 22:1 na sa ilalim ng kagipitan ay pansamantalang nawalan ng pananampalataya si David. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 8/15 p. 20 par. 19.]
9. Ang isang Kristiyano ay maaaring “mabuwal” kung tungkol sa mga pagkasiphayo, mga kabiguan, at legal o pinansiyal na mga pagbabago, ngunit sa tulong ng espiritu ng Diyos at ng Kaniyang maibiging mga mananamba, hindi siya “babagsak” nang lubusan sa espirituwal. (Awit 37:23, 24) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 11/1 p. 30 par. 14.]
10. Itinuturo ng kabanata 1 ng Genesis na nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay sa lupang ito sa loob ng anim na araw na tig-24 na oras. [rs p. 149 par. 5]
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
11. Paano ‘binigyan ng kahulugan’ ni Ezra at ng kaniyang mga katulong ang Kautusan? (Neh. 8:8) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 26 par. 4.]
12. Ano ang pinagmumulan ng “kagalakan kay Jehova”? (Neh. 8:10) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 26 par. 9.]
13. Bakit yaong mga “nagkusang-loob na manahanan sa Jerusalem” ay pinagpala? (Neh. 11:2) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 26 par. 12.]
14. Bakit ipinagpaliban ni Esther ang pagbibigay-alam sa hari ng kaniyang espesipikong hangarin? (Esther 5:6-8) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 3/15 p. 24 par. 18.]
15. Anong dalawang mahalagang tanong ang sinasagot sa aklat ng Job? [si p. 95 par. 1]
16. Bakit nakasira ng loob ni Job ang payo ni Elipaz at nabigong patibayin siya? (Job 21:34; 22:2, 3) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w95 2/15 p. 27 par. 5-6.]
17. Ano ang salmo? [si p. 101 par. 2]
18. Anong “walang-katuturang bagay” ang patuloy na ‘ibinubulung-bulong’ ng mga bansa, gaya ng nakaulat sa Awit 2:1? [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 8/15 p. 20 par. 5.]
19. Anong praktikal na aral tungkol sa hindi pagtatangi ang matututuhan natin mula sa ministeryo ni Felipe na nagsangkot sa mga Samaritano at sa Etiopeng opisyal? (Gawa 8:6-13, 26-39) [w99 7/15 p. 25 par. 2]
20. Paano inilarawan ni Job ang kaniyang pananalig na kaya ng Diyos na buhayin siyang muli mula sa libingan, na minalas niya bilang isang dakong kublihan mula sa kaniyang mga suliranin? (Job 14:7, 13-15) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 5/15 p. 27 par. 7–p. 28 par. 1.]
Ibigay ang kinakailangang (mga) salita o parirala upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap:
21. Binabanggit ng Esther 8:17 na ang bayan ay “nagpapakilalang sila ay mga Judio”; gayundin sa ngayon, ․․․․․․․․ ng “ibang mga tupa” ang nanindigang kasama ng ․․․․․․․․.. (Apoc. 7:9; Juan 10:16; Zac. 8:23) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 3/15 p. 25 par. 14.]
22. Gaya ng ipinahihiwatig ng Gawa 1:7, bagaman si Jehova ay lubhang palaisip sa ․․․․․․․․, ang kaniyang araw ng pagtutuos ay darating na gaya ng isang ․․․․․․․․, kapag hindi ito inaasahan ng mga tao. (2 Ped. 3:10) [w99 6/1 p. 5 par. 1-2]
23. Sa 2 Pedro 3:7, 10, ang mga terminong “mga langit” at “lupa” ay ginamit sa ․․․․․․․․; gaya ng ipinakikita ng konteksto, ang “lupa” ay tumutukoy sa ․․․․․․․․. [rs p. 229 par. 2-4]
24. Ang kaayaayang pag-uusap ay nangyayari dahil sa kumpiyansa, tiwala, at unawa ng isa’t isa, at ang mga katangiang ito ang siyang bunga kapag ang pag-aasawa’y itinuturing na isang ․․․․․․․․ na kaugnayan at may tunay na ․․․․․․․․ na gawin itong matagumpay. [w99 7/15 p. 21 par. 3]
25. Ang positibong panggigipit ng mga kasamahan ay makatutulong sa atin na ․․․․․․․․ ang moral at espirituwal na mga kahilingan at sa gayon ay makatutulong sa atin na paglingkuran si Jehova nang ․․․․․․․․. [w99 8/1 p. 24 par. 3]
Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mga pangungusap:
26. Ang ‘pag-upo [ni Mardokeo] sa pintuang-daan ng hari’ ay nagpapahiwatig na siya ay (sariling guwardiya ng hari; isa sa mga opisyal ni Haring Ahasuero; naghihintay na makipagkita sa hari). (Esther 2:19, 20) [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 3/15 p. 24 par. 9.]
27. Gaya ng nakaulat sa Job 19:25-27, si Job ay nagpahayag ng pananampalataya na kaniyang ‘mamamasdan ang Diyos’ sa paraang (may-lingap na makakakita ng isang pangitain; bubuhaying-muli tungo sa makalangit na buhay; mabubuksan ang kaniyang mga mata ng pang-unawa upang makita ang katotohanan tungkol kay Jehova). [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w94 11/15 p. 19 par. 17.]
28. Si Job ay higit na naaalaala dahil sa kaniyang (pag-ibig; kabaitan; pagbabata). (Sant. 5:11) [si p. 100 par. 41]
29. Ang pagsulat sa aklat ng Mga Awit ay sumasaklaw ng mga (tatlong daan; limang daan; isang libo) na mga taon. [si p. 101 par. 4]
30. Si (David; Asap; Ezra) ang malamang na huling nag-ayos ng aklat ng Mga Awit. [si p. 102 par. 6]
Ibagay ang sumusunod na mga kasulatan sa mga pangungusap na nasa ibaba:
Neh. 3:5; Awit 12:2; 19:7; 2 Tim. 3:16, 17; Sant. 5:14-16
31. Dapat tayong maging handa na magpagal at huwag tayong may-pagmamapuring umurong, anupat minamalas ang mabigat na trabaho bilang isang insulto sa atin. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w86 2/15 p. 25 par. 12, 19.]
32. Ang isang Kristiyano na nasangkot sa isang malubhang pagkakasala ay dapat na magtapat ng kaniyang kasalanan sa matatanda. [rs p. 333 par. 8]
33. Bagaman gumamit ang Diyos ng mga panaginip upang magbigay ng mga babala, tagubilin, at hula sa kaniyang bayan sa nakalipas na mga panahon, naglalaan siya ngayon para sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng kaniyang kinasihang nasusulat na Salita. [rs p. 316 par. 6]
34. Kung nais nating maging kaibigan ng Diyos, sa kaibuturan natin ay dapat tayong maging tapat, na walang pagpapaimbabaw. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w89 9/15 p. 26 par. 7.]
35. Ang pagsunod sa kautusan ng Diyos ay may nakapagpapanauling epekto sa kaluluwa ng isa at pinabubuti ang kapakanan ng isa. [Lingguhang pagbabasa sa Bibliya; tingnan ang w00 10/1 p. 13 par. 4.]