Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Oktubre: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Kapag nakasumpong ng interesado sa mga pagdalaw-muli, maaaring ialok ang mga suskrisyon. Laging magdala ng brosyur na Hinihiling upang makapagsimula ng isang pag-aaral sa Bibliya kung posible. Nobyembre: Iaalok ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling. Kung ang mga may-bahay ay mayroon na ng mga ito, maaaring gamitin Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos o iba pang mas matatandang publikasyon. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, o, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, kung mayroon nito.
◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Araw ng Paghuhukom—Isang Panahon ng Takot o Pag-asa?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ipinaaalaala sa matatanda na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa pahina 21-3 ng Abril 15, 1991, Bantayan, may kaugnayan sa sinumang tao na itiniwalag o naghiwalay-ng-sarili na waring nagnanais na makabalik.