Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Setyembre 10
8 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang “‘Mga Guro ng Salita ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.”
22 min: “Ginaganap Mo ba Nang Lubos ang Iyong Ministeryo?”a Pagkatapos na talakayin ang parapo 1-3 sa tagapakinig, itanghal ang dalawang maikling presentasyon ng magasin—ang isa na ginagamit ang Setyembre 15 ng Bantayan at ang isa pa na ginagamit ang Setyembre 22 ng Gumising! Pagkatapos na talakayin ang parapo 4, itanghal ang mungkahing presentasyon, sa pamamagitan ng aklat na Kaalaman.
15 min: Pahayag ng isang matanda sa “Huwag Hayaang Sirain ng mga Pag-aalinlangan ang Iyong Pananampalataya,” salig sa Bantayan isyu ng Hulyo 1, 2001, pahina 18-21.
Awit 124 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 17
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: Ano ang Nagawa Natin Noong Nakaraang Taon? Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ibigay ang pinakatampok na mga bahagi ng ulat ng kongregasyon para sa 2001 taon ng paglilingkod. Papurihan ang lahat para sa mabubuting bagay na naisagawa. Ituon ang pansin sa nagawa ng kongregasyon tungkol sa bilang ng dumadalo sa pulong, sa pagkapalagian sa paglilingkod sa larangan, at sa gawaing pag-aaral sa Bibliya. Magtakda ng mga tunguhin na maaaring abutin para sa dumarating na taon.
15 min: “Tanong.” Isang pahayag. Pasiglahin ang kongregasyon na suportahan ang mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan.
Awit 129 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 24
15 min: Lokal na mga patalastas. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga mungkahing ibinigay sa “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin,” itanghal ang dalawang presentasyon—ang isa na ginagamit ang Oktubre 1 ng Bantayan at ang isa pa na ginagamit ang Oktubre 8 ng Gumising!
15 min: Lokal na mga Pangangailangan.
15 min: Paano Ko Mapagbubuti ang Aking Pag-aaral? Isang matanda at ang kaniyang asawa o isang ministeryal na lingkod at ang kaniyang asawa ay nakikipag-usap sa kanilang anak na pumapasok sa paaralan. Sila ay nababahala dahil ang bata ay napag-iiwanán sa mga gawain sa paaralan. Kanilang nirepaso ang payo sa Tanong ng Kabataan, kabanata 18, at tinalakay kung ano ang kinakailangang gawin ng bata upang sumulong. Idiniin ng mga magulang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang mahusay na saligang edukasyon upang lubos na magamit ng isa ang kaniyang kakayahan sa pagtataguyod ng sagradong paglilingkod.
Awit 133 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 1
10 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: “Iyon ba ay Isang Hadlang sa Pangangaral?”b Idiin ang pangangailangan na maging timbang sa sekular na trabaho at maglagay ng mga priyoridad upang mapanatiling una ang mga kapakanan ng Kaharian. Anyayahan ang mga ulo ng pamilya sa kongregasyon na ilahad kung paano nila hinaharap ang hamon na maglaan sa kanilang sambahayan ng materyal nang hindi isinasakripisyo ang kanilang espirituwal na mga pangangailangan.
15 min: Pahayag ng isang matanda sa “Paano Ka Magkakaroon ng Timbang na Pangmalas sa Salapi?,” salig sa artikulo ng Bantayan ng Hunyo 15, 2001, pahina 5-8.
Awit 137 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.